Kevin's Pov
Pagkatapos ng dance performance namin ay pumasok na kami sa classroom namin. At inanunsiyo ni Sir Noreen ang result ng performance namin.
"Okay Group 4 this result of your performance according to the Judges, you got 96%. Congratulations!" sabi ni Sir.
"Whoah!"
"Yieeh! Thank you Sir!" masayang hiyawan ng Group 4.
"Okay Group 5, you got 97%."
"Whoooah!"
"Yesss!"
"Thank you Sir!" masayang sabi ng kagrupo ni Jessa May.
Nagulat na lang ako ng biglang yakapin ni Jessa si Melvin. Kaya nagbago ang mood ko, naiinis ako kay Jessa.
"Ano ba! Hindi ka pa talaga kontento sa tuwa kailangan mo talagang yumakap?" inis na sabi ni Melvin. Suplado! Swerte mo nga eh kasi niyakap ka ng babaeng nagugustuhan ko. Dapat ako 'yan eh.
"Ay s-sorry, masaya lang kasi ako." sagot ni Jessa at kumawala sa pagkakayakap kay Melvin.
"Oooooy!" sabi ng iba naming kaklase.
"Ang sweet naman!" sabi ni Grace.
"Meron na palang love team dito sa inyo, infairness bagay silang dalawa." nakangiting sabi ni Sir.
Pati ba naman si Sir boto sa kanila? Nakakainis naman oh!
"Opo bagay talaga." sabi ni Eden at Jammy Leigh.
"Hindi!" sabi naman ng iba kong kaklase. Kaya napangiti na lang ako.
"Excuse me Sir!" sabi ni Melvin saka nagwalk out.
Anong nangyari sa kaniya?
Jessa's Pov
Nang magwalk out si Melvin ay nakaramdam ako ng lungkot. Siguro napikon siya dahil sa pang-aasar ng mga kaase namin.
"Anong nangyari kay Melvin?" nagtatakang tanong ni Jammy Leigh.
"Baka napikon, ikaw kasi Jessa." inis na sabi ni Kevin. Kaya inismiran ko lang siya. Pati itong si Kevin sinisi pa ako kung 'di lang kita crush baka kinurot kita.
"Excuse me Sir, may I go out?" sabi ko.
Tumango lang si Sir. "Oy Jessa susundan mo ba si Melvin?" pang-aasar ni Sir.
"Ayieeh!"
"Hindi Sir ah, magc-cr lang po." sabi ko at lumabas na ako ng classroom.
Pumunta ako ng CR dahil biglang sumakit 'yong puson ko. Pagkatapos, aakma na sana akong lalabas ng banyo pero may narinig akong ingay na parang nagbabangayan. Sino kaya sila?
Kaya sinilip ko kung sino si Melvin lang pala at sino ba 'yong kasama niya?
"Babe, 'wag ka namang ganyan oh. Alam mo naman na mahal mahal na mahal kita." malungkot na sabi ni Melvin.
So girlfriend niya pala ang babaeng 'yan? Maganda siya, maputi ang kulay ng balat niya.
Kaya tumago muna ako at sumandal sa gilid ng CR para hindi nila ako makita.
"Layuan mo nga kasi ang babaeng 'yon. Bakit ba kasi lapit ka ng lapit sa kanya?" ang sabi ng Gf niya.
"Kasi nga magpartner kami sa dance group. At normal lang naman sa amin na magkasama." paliwanag ni Melvin.
"Normal? Noong hinawakan mo 'yong kamay niya kanina tapos ang sweet niyo pa. Sa tingin mo ba hindi ako nasasaktan? Nasasaktan din ako Melvin." malungkot na sabi ng babae na halos maiyak na.
Grabe pala magselos ang babaeng 'to.
"Sorry na babe." sambit ni Melvin.
"Sorry mo mukha mo!" inis na sabi ng babae at saka umalis.
"Leah! Leah!" tawag ni Melvin. Leah pala ang pangalan niya.
Kawawa naman si Melvin nag-away pa sila ng Gf niya nang dahil sa akin. Kasalanan ko 'to eh.
Lumabas ako ng CR at nakita niya ako.
"Sorry Melvin. Nag-away tuloy kayo ng Girlfriend mo." malungkot na sabi ko.
"Its okay kaya hindi ko alam kung paano niya ako mapatawad Jessa." malungkot na sabi niya.
"Sorry talaga. Dapat siguro hindi na muna tayo magpapansinan sa ngayon." sabi ko sabay alis.
Grabe naman ang babaeng 'yon napakaselosa. Sabagay normal lang siguro na magselos siya lalo na't hahabulin ng mga babae si Melvin. Ang gwapo kasi may kahawig kasi siya kay Aldin Richard.
Hindi ko namalayan na nakarating na pala ako ng classroom at pagpasok ko pa lang sa pinto. Narinig ko ang hiyawan ng aking mga kaklase.
"Ayieeeh! Magkasabay sila." sabi ng mga kaklase ko.
"Ikaw Jessang ha, may paexcuse-excuse ka pa magdadate lang pala kayo ni Melvin." pang-aasar ni Jammy Leigh.
Nagsmirk lang ako at lumingon sa likuran ko. Nakasunod lang pala sa akin si Melvin hindi ko man lang siya naramdaman.
Dahan-dahan siyang naglalakad at nilagpasan niya ako. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa nakaupo na siya. Ang lungkot-lungkot ng mukha niya.
"Anong nangyari sa kanya Jessang?" tanong ni Jammy Leigh.
"Ewan ko." simpleng sagot ko. Ayaw ko kasing malaman din nila kung ano ang dahilan.
"Tutunganga ka na lang ba diyan? May lecture tayo oh." sabi ni Jessa at itinuro ang chalkboard. Ito talagang babaeng 'to ang init naman ng ulo. Pero kahit ganyan 'yan mahal na mahal ko 'yan.
Kaya pumunta ako sa upuan ko. Kinuha ko 'yong notebook ko at inilagay sa desk. Pero hindi muna ako magsusulat nakakatamad eh.
To Be Continued....
BINABASA MO ANG
I'm In love With Her
Novela JuvenilDid you fall inlove with your classmate? Yong tipong kapag nakikita mo siya ay hindi mo na siya makakalimutan. The way he look, the way he moved and the way he talked all about him is very awkward. Jessa May Delos Reyes is a simple girl with beauty...
