Chapter 12: 💕

3 1 0
                                    

Eden's Pov

  Hello guys!🤗

  At last pinagbigyan ako ni Author. Bye the way nandito kami ngayon sa labas ng school pauwi na kasi kami eh. Kasama ko ngayon ang dalawang beshy ko sina Jessa at Jammy Leigh.

  But before ko ituloy magpapakilala muna ako. I'm Eden Tolentino Villegas, 17 years old and Senior High School Student. 'Yon lang muna makikilala niyo rin ako.

  "Beshy may isususot na ba kayong dress para sa friday?" tanong ni Jammy Leigh.

  "Wala pa eh, ano kaya kung magshopping muna tayo." sabi ko.

  "Mabuti pa nga, ano tara." sang-ayon naman ni Jessa.

  Then pumunta na kami ng mall dahil malapit lang naman.

  At SM Mall

  Nandito kami ngayon sa 3rd floor at namimili kami ng mga dress. Ito kami ngayon palakad-lakad habang tinitingnan ang mga display na dress.

  Bigla namang may nakaagaw ng pansin sa akin . Nakita ko ang isang dress na kulay pink. It's my favorite color!

  Kinuha ko ito at tiningnan. Simple lang itong sleeveless na walang design at above the knee. Kaya ito na lang sa akin.

  "Guys ito na lang sa akin." sabi ni Jammy Leigh. Hawak hawak niya ang dress na color light blue. Simple lang din ito at tube.

  "Ito din sa akin." sabi ni Jessa na color black ang pang itaas at white naman ang pag ibaba na dress. Sleeveless din 'yon na may simpleng design.

  Pagkatapos, pumunta na kami sa counter para magbayad. Mabuti na lang at wala pang ibang nakapila. Pagkatapos naming magbayad ay lumabas na kami ng mall.

Fast forward......

  Biyernes ng umaga, maaga kaming pumasok sa school. Nandito ako ngayon sa C.R at nagbibihis at kasama ko naman ang dalawa kong beshy. Gaganapin kasi ang dance performance namin at 8:00 am.

  Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako. Paglabas ko nakita ko si Jammy Leigh nakabihis na rin pala siya.

  Kaya inayusan ko 'yong sarili ko. Naglagay ako ng konting lipstick hindi ko na tinalian 'yong buhok ko dahil straight naman ito at mahaba pa. Proud lang!

  "Jessang matagal pa ba yan? Bilisan mo na dyan!" malaks na sabi ni Jammy Leigh.

  "Wait lang. Andyan na." sabi ni Jessa at lumabas na siya sa kabilang room. "Ano sa tingin nyo bagay ba sa kin?"

  "Wow besh bagay na bagay sayo. Ang ganda mo." papuri ni Jammy Leigh.
 
  "Oo nga besh, lumulutang talaga ang beauty mo. Ikaw na ang dyosa." sabi ko.

  Ang ganda niya kasi at bagay sa kanya ang dress na over the knee.

  "Sure ba kayo?" tanong niya habang nakakunot noo.

  "Oo naman siyempre." sabi ni Jammy Leigh.

  "Kaya lang besh kailangan tanggalin mo na 'yang suot mong eye glasses para mas okay." nakangiting sabi ko.

  Tumango naman siya. Tinanggal niya 'yong eye glasses niya. Inayos naman namin ang mahabang curly niyang buhok at itinali ng simple.

  Pagkatapos ay lumabas na kami ng C.R at pumunta ng play ground.

To Be Continued....

 

I'm In love With Her Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon