Jessa's PovBREAK TIME.....
"Jessa gusto mo bang pumunta ng canteen?" biglang tanong ni Rey nang lumapit siya sa akin.
"Ayoko hindi naman ako nagugutom eh." sagot ko.
"Gusto mo bang bilhan na lang kita ng snacks?" nakangiting sabi niya.
Ano naman kaya ang trip nito? Bakit niya ba 'to ginagawa?
"Ay hindi na, salamat na lang." pagtatanggi ko.
"Sigurado ka?" tanong niya.
Tumango na lang ako. Pero biglang nawala 'yong ngiti sa mukha niya at napalitan ito ng lungkot.
"Ay besh bat ayaw mong kumain? Libre naman ni Rey eh." sabi ni Jammy Leigh.
"Oo nga. Pero teka lang Rey ba't bigla ka na lang bumait kay Jessa? Ano bang nakain mo?" nagtatakang tanong ni Eden.
"Baka nakakain siya ng cotton candy." nakangiting sabi ni Jammy Leigh.
"Ahm.....malalaman niyo rin guys." sagot ni Rey. Nilingon niya ako sabay kindat.
Umalis na siya at lumabas ng classroom namin. Sinundan ko na lang siya ng tingin.
Binaling ko ang dalawang beshy ko. Nakatingin sila sa akin habang nakangiti na parang nanunukso kaya sinamaan ko sila ng tingin.
Rey's Pov
Nandito kami ngayon sa canteen kasama ang mga tropa ko na sina Melvin at Arjun.
"Par, anong plano mo?" biglang tanong ni Melvin.
"Huh? Plano? Para saan par?" nagtatakang tanong ko.
"Para sa nararamdaman mo kay Jessa, wala ka bang balak magtapat sa kanya?" tanong ni Melvin.
"Siyempre magtatapat ako sa kanya pero sa ngayon hindi muna. Naghihintay lang ako ng pagkakataon para magtapat sa kanya." sabi ko.
"Pero alam mo naman na may nagkakagusto ding iba sa kanya." ani Melvin.
"Oo nga eh hayaan mo pagkatapos ng ibang activities natin liligawan ko na siya." nakangiting sabi ko.
Bell ringing.....
Dali-dali kaming umalis ng canteen at pumunta na sa classroom namin.
Habang nasa classroom kami hinihintay namin ngayon na pumasok ang English Teacher namin. Pero laking gulat namin ng si Sir Noreen ang pumasok.
"Good morning!" bati ni Sir Noreen.
"Good morning Sir!" bati din namin kay Sir.
"May konting announcement lang ako sa inyo. Please listen carefully, diba sa Friday ang dance performance niyo?" sabi ni Sir.
"Yes Sir." ang sagot namin.
"I want you to wear formal dress specially kayo boys kailangang pormal din 'yong isusuot niyo para desinte naman tingnan. Doon kayo magperform sa play ground para makapanood ang lahat ng istudyante." sabi ni Sir.
"Yes Sir." sagot namin.
"Okay that's all. Thank you." sabi ni Sir at lumabas na siya ng classroom namin.
Maya-maya ay pumasok na ang English Teacher namin.
To Be Continued....
Please follow, vote and comment!
Thank you!
![](https://img.wattpad.com/cover/322438562-288-k883428.jpg)
BINABASA MO ANG
I'm In love With Her
Novela JuvenilDid you fall inlove with your classmate? Yong tipong kapag nakikita mo siya ay hindi mo na siya makakalimutan. The way he look, the way he moved and the way he talked all about him is very awkward. Jessa May Delos Reyes is a simple girl with beauty...