Chapter 19: 💕

0 0 0
                                    


Jessa's POV

Nandito na kami ni Gino sa bahay. Sana nakauwi nang maayos si Roy sa kanila. Malaki din yong utang na loob ko sa kanya dahil tinulungan niya akong makalabas ng C.R. Kasi kung hind, siguradong hindi pa ako nakauwi ngayon at ang worst wala pang pasok bukas kaya di ko alam kung may makakatulong ba sa akin.

Hayysss! Grabe ang pangyayaring yon, sana hindi na yon maulit.

"Jessa ichat mo si Chrine mamaya kung nakauwi na ba siya sa bahay nila." sabi ni Nanay.

Kailangan ko ba talagang gawin yon? Pero nahihiya ako sa lalaking yon eh.

"Jessa nakikinig ka ba?" tanong ni Nanay.

"Opo Nay, sige po ichachat ko siya." sagot ko.

Pumasok na ako sa kwarto ko at hinayaan kung buksan kong nakabukas ang pinto nito. Naghihihintay ng ilang minuto bago mag online. Binuksan ko ang facebook at nagscroll muna.

Nang sandali tumunog ang cellphone ko. May nagchat pala sa messenger ko.

Binuksan ko ang messenger at tiningnan kung sino ang nagchat.

Roy Chrine Buenavesta

  Hi! Good evening.

                        seen

Ano ba rereplyan ko ba siya?

Me

Hello goode evening din. Nakauwi ka na ba?
                       seen

Roy Chrine Buenavista

Typing.....

Naks! Oo naman. Bakit nag-aalala ka ano?

                       seen

Hayyss! Assuming!

Me

Hindi tinatanong lang ni Mama kung nakauwi ka na.

Yan dapat! Para hindi na siya umasa.

Roy reacted to your message.

Mabuti naman at hindi na siya nagreply. Para wala ng mangungulit.

"Inay nagchat si Roy nakauwi na daw siya." malakas na sabi ko.

"Mabuti naman anak, sige matulog ka na." sabi ni nanay.

Kaya naglog out na ako sa facebook at nag offline. Pagkatapos  ay natulog na ako.
...
...
...

Roy's POV

Pagkauwi ko sa bahay ay sinalubong na kaagad ako ni mama pagpasok ko ng gate.

"Ano ka ba Chrine bakit ngayon ka lang nakauwi? Alam mo bang nag-aalala na kami sa'yo?" Nag-aalalang sabi ni Mama.

"Sorry po Ma hinatid ko lang po yong kaibigan ko sa bahay nila." safot ko.

"Ganoon ba? Mabuti naman at nakauwi ka na. Pumasok ka na sa loob." sabi ni Mama.

"Ma totoo po bang kaibigan mo si Tita Annie?" tanong ko.

"Oo bakit nakita mo ba siya? Saan na ba nakatira?" sunud-sunod na tanong ni Mama habang nakangiti.

"Opo. Nakapunta na oo ako sa kanila. Mama po siya ng bago kong nakilalang babae."

"Talaga Anak? Mabuti  naman at nakilala mo siya. Siguro dalaga na yong anak niya na si Jessa. Ang ganda pa naman ng batang yon." nakangiting sabi ni Mama.

"Oo nga po Ma, malapit lang po dito yong bahay nila Ma." sabi ko.

"Talaga? Kung hindi na kami busy ng papa mo dadalaw tayo sa kanila. Ilang taon na rin kasing hindi kami nagkikita ng kaibigan kong yon. Sige na anak pumasok ka na at magbihis ka na rin." sabi ni Mama.

"Opo Ma." sagot ko.

Pumasok na ako at pumunta sa kwarto ko saka nagbihis. Pagkatapos ay lumabas ako at pumunta sa kusina para uminom ng tubig.

"Kumain ka na anak." sabi ni Mama.

"Busog na po ako Mama." sagot ko.

"Ano? At saan ka naman kumain?" seryosong tanong ni Mama.

"Pinakain po ako ng Mama ni Jessa Ma at nangungumusta po siya inyo." nakangiting sabi ko.

"Talaga ba? Ang bait talaga ng kaibigan kong yon." nakangiting sabi ni Mama.

"Oo nga po. Sabi niya po dumalaw daw tayo sa kanila paminsan-minsan." sabi ko.

"Oo naman. Dadalaw tayo sa kanila diba honey?" sabi ni mama kay papa.

"Siyempre. Kumusta na ba yong anak niya siguro dalaga na rin yon. Kailangan na nating mamanhikan pagkagraduate mo anak." nakangiting sabi ni papa.

Grabe mamanhikan agad? Hindi ko pa nga yon nililigawa eh.

"Si papa talaga hindi ko pa nga nililigawan yon." nakangusong sabi ko.

"So nililigawan mo ang anak ng bestfriend ko. Good to hear that son mabuti nga at anak ng kaibigan nami ang nagustuhan mo." nakangiting sabi ni Mama.

"Maganda ba siya kung bakit mo siya nagustuhan?" nakangiting tanong ni papa.

"Opo papa, sobrang ganda po. Mas maganda pa siya sa mga naging Ex girlfriend ko." sabi ko.

"Talaga lang ha, sige anak." sabi ni papa.

"Wag mo na yang pakawalan anak." sabi naman ni Mama.

"Salamat po Ma at Pa. Opo hinding hindi ko na siya pakakawalan. Papasok na po ako sa kwarto ko." sabi ko.

At agad akong pumasok sa kwarto ko. Nag-online at binuksan ko kaagad ang messenger ko.

Tamang tama at online si Jessa kaya nagchat ako sa kanya.

Me

  Hi! Good evening.

                        seen

Buti naman at sineen niya kaagad.

Jessa May Delos Reyes

  Typing.....

Hello goode evening din. Nakauwi ka na ba?
                       seen

Wow concern! Kinilig tuloy ako. Ikaw talaga Jessa mas pafall ka ngayon.

Me

Naks! Oo naman. Bakit nag-aalala ka ano?

                       seen

Jessa May Delos Reyes

Typing....

Hindi tinatanong lang ni Mama kung nakauwi ka na.

                       seen

Ouch! Ang saklap non! 💔 Umasa pa naman ako. 😨 Hayyysss! Siguro wala talaga siyang feelings para sa akin. But I won't give up! Mamahalin mo rin ako Jessa.

❤I reacted to her message.

Pagkatapos noon ay nag-offline na siya.

Grabe wala man lang goodnight.
Hayyysss! Matutulog na nga ako. Good night babyloves ko. Sana maalala mo naman ako palagi. Kasi ikaw hindi ka nawawala sa isipan ko.

To Be Contiued....

Thanks for reading! ❤❤❤

I hope you like it!

Thanks for 29 viewers. Please follow me for more updates.

Good night! 😘😘😘

I'm In love With Her Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon