Jessa's POV
Araw ng sabado, maaga akong gumising marami akong gagawin. Maglalaba muna ako ng mga damit namin sa umaga at sa hapon naman ay pupunta ako ng Grocery Store dahil maraming ipapabili si Nanay.
Pagkasapit ng hapon ay naisip kong magbihis na dahil may pupuntahan pa ako. 1:00 pa ng hapon kaya siguradong makakauwi ako ng maaga.
Ano kayang isusuot ko?
Naghanap ako ng maisusuot. Tiningnan ko yong aparador ko at halos mga simpleng damit lang ang nakikita ko. Kumuha ako ng pink na T-shirt at isang black pants na hindi masyadong fit . Ito na lang ang isusuot ko. Di na rin ako naglalagay ng pampaganda sa mukha. Naglagay lang ako ng konting pabango.
Pagkatapos kong magbihis, kinuha ko yong maliit na bag at payong. Pagkatapos lumabas na ako ng kwarto ko.
"Nay aalis na po ako." pagpapaalam ko.
"Sige mag-ingat ka anak. Wag kang magpapagabi ha?" sabi ni Nanay.
"Opo Nay." sabi ko.
Lumabas na ako ng bahay at naglalakad palabas ng kanto.
Nag-aabang ako ng jeep na masasakyan. Maya maya ay wala pa ring jeep kaya naisip ko na maglakad na lang papuntang SM Mall. Masarap maglakad kapag ganitong oras wala masyadong tao sa kalsada.
Naramdaman ko ang init na tumatama sa balat ko dahil sa sikat ng araw. Kinuha ko yong payong at binuksan ito.
Peep! Peep!
Nandiyan na pala ang jeep. Huminto ako at nagpara. Huminto ang jeep at sumakay kaagad ako.
Mabuti na lang konti pa lang ang pasahero kaya hindi pa masikip ang upuan.
Narinig ko ang mahinang usapan ng mga binatilyong lalaki.
"Ang ganda niya pare." sabi ng isa.
"Oo nga siguro may boyfriend na yan." sabi naman ng isa.
Pero hindi ko na lang sila pinansin. Mga chismoso.
Inabot ko yong bayad. Pagkalipas ng ilang minuto, sa wakas nandito na ako sa pupuntahan ko.
Bumaba na ako sa jeep at bumaba din pala ang tatlong binatilyong lalaki.
Nakita ko na ang SM Mall sa di kalayuan kaya naglalakad na ako papunta roon.
"Hi Miss!" bati ng isang lalaki na sumasabay na pala sa akin sa paglalakad.
"Hello!" bati ko naman.
"Pupunta ka rin ba ng SM?" tanong ng isa. Siyempre naman papunta na nga eh.
"Oo marami kasi akong bibilhin." sabi ko.
"Ganoon ba sabay na lang tayo pumunta doon." sabi ng unang lalaking kumausap sa akin. Sino ba ang mga 'to?
Pagkapasok namin ng SM pupunta muna ako sa Grocery Store. Sumunod naman sila sa akin. Parang gwardiya ko lang eh. Sana all!
"Ang swete naman ni Girl may tatlong gwapong lalaking nagbabantay." sabi ng isang babae.
"Oo nga nakakainggit naman." sabi naman ng isa pang babae.
"Sana ibigay niya sa atin yong dalawa." sabi naman ng bading.
Hindi na lang namin sila pinansin. Nakakaloka kahit saan talaga maraming marites.
"Mga Bro nandyan na pala kayo hindi niyo man lang ako hinintay." sabi ng isang lalaki na pamilyar ang boses.
BINABASA MO ANG
I'm In love With Her
Teen FictionDid you fall inlove with your classmate? Yong tipong kapag nakikita mo siya ay hindi mo na siya makakalimutan. The way he look, the way he moved and the way he talked all about him is very awkward. Jessa May Delos Reyes is a simple girl with beauty...
