Roy's Pov
Biyernes ng hapon hindi pumasok 'yong guro namin kaya ito kami ngayon walang ginagawa. Nakakaboring naman kapag ganito. Nakaupo lang ako habang pinapanood ko ang mga kaklase ko na nag-uusap.
Sana sa araw na 'to ay makita ko siya. Lalabas kaya siya sa school nila?
"Mukha yatang may hinihintay ka bro, kanina ka pa laging nakatingin sa bintana ah." sabi ni Neil.
"Ahm may inaabangan lang ako bro." nakangiting sabi ko.
"Talaga? Inaabangan mo na naman ba 'yong bago mong kakilalang babae? Ang bilis mo yatang nakamove on sa Ex mo." sabi ni Neil.
"Hindi naman sa ganoon bro. Gusto ko munang makipag-ibigan sa kanya." sabi ko.
"Talaga lang ha pero okay 'yan bro kesa umasa ka pa na magkabalikan kayo ni Jenny Rose." nakangiting sabi niya.
"Oo nga eh." maikling tugon ko.
"Saglit lang bro diyan ka muna mag C-CR lang ako." sabi ni Neil.
Kaya tinanguan ko na lang siya.
Kinuha ko muna 'yong cellphone ko at binuksan. Inopen ko 'yong wifi dahil may titingnan ako sa facebook. Mabuti na lang at may wifi connection sa school namin kaya minsan nawawala 'yong pagkabagot namin.
Naglog-in ako sa facebook. Ano kaya ang pangalan ng account niya sa facebook? Isearch ko nga ang pangalan niya.
Jessa May Delos Reyes 🔍
Nakita kong lumabas ang pangalan niya kaya inadd friend ko siya kaagad.
Message:
Hi Jessa May! ✔
Sana magreply siya sa chat ko.
Nilog out ko muna 'yong facebook account ko at naglaro na lang ng M.L. Ito kasi ang madalas kong ginagawa kapag nabobored ako. Siguro umabot na ng isang oras ang paglalaro ko dahil mas ginaganahan pa akong maglaro.
Bell ringing......
Uwian na kaya kinuha ko na 'yong bag ko at lumabas na ng classroom. Lumabas na rin 'yong iba kong kaklase.
"Teka lang Chrine diba cleaners ka ngayon? Bakit ka na uuwi?" biglang bungad ni Leah. Itong babaeng 'to ayaw na naman akong patatakasin.
"Oo nga, hindi porket hearthrob ka dito sa campus natin makakatakas ka na sa mga gawain." sabi naman ni Jasmine.
"Sorry na girls nakalimutan ko lang talaga. Tutulong naman talaga ako sa inyo eh." sabi ko.
Kaya tinulungan ko na silang maglinis ng classroom namin. Binura ko 'yong mga nakasukat sa chalkboard habang ang mga babae kong kagrupo ay nagwawalis. Inaayos naman ng lalaki ang mga upuan. Pagkatapos naming maglinis ay lumabas na kami ng classroom.
"Oh bro bukas walang pasok gusto niyo bang gumala tayo?" biglang sabi ni Dave.
"Saan naman tayo pupunta?" tanong ni Jude.
"Doon sa SM Mall siguradong maraming chix don." sabi ni Blaze.
"Parang okay yan ah sige sasama ako. Ikaw Chrine sasama kaba?" sabi naman ni Jude.
"Titingnan ko bro kung wala na akong ibang gagawin bukas." sabi ko.
"Sige bro pero dapat sumama ka ha para naman mas maraming chix ang lumapit sa 'tin." nakangising sabi ni Blaze.
"Oo nga iba talaga pag si Chrine ang kasama siniswerte tayo mga bro." sabi ni Dave.
"Oo naman ako pa. Pero siyempre dapat makahanap na kayo ng chix niyo kasi ako may nahanap na." mayabang na sabi ko.
"Hanep ka talaga bro noong nakaraang linggo si Jenny 'yong chix mo ngayon iba na naman? Iba ka talaga." sabi ni Blaze nang may paghanga.
"Oo nga. Pang-ilan na ba 'yan bro ano may susunod pa ba diyan bro?" nakangiting sabi ni Dave.
"Hindi ko alam pero feeling ko siya na 'yong babaeng hinahanap ko bro." seryosong sabi ko.
"Ano? Seryoso na ba 'yan, diba 'yan din 'yong sinabi mo noong bago mo makilala si Jenny Rose?" sabi ni Jude.
"Oo nga pero iba si Jessa May, iba ang impact niya sa akin mga bro. Sa kanya lang ako nakaramdam ng ganito." sabi ko.
"Siguraduhin mo lang bro. Pero kung sino talaga 'yong gusto mo bro susuportahan ka namin." sabi ni Blaze.
"Salamat mga bro." nakangiting sabi ko.
Masaya ako dahil sila ang mga naging kaibigan ko. Hindi nila ako pinipigilan sa kung sino mang babae na magugustuhan ko.
"Boys!" biglang tawag ni Ma'am Rizza May.
"Yes Ma'am!" sagot namin.
"Pwede bang pakidala ng bulaklak sa room ng Grade-12. Doon niyo lang ilagay sa labas ng classroom." sabi ni Ma'am.
Nagkatinginan kaming magkakaibigan. Pero nakita ko sa mga mata nila na parang ayaw nilang magdala kaya hinarap ko si Ma'am.
"Ako na lang po ang magdadala Ma'am." sabi ko.
"Thank you Chrine." nakangiting sabi ni Ma'am at inabot sa aking ang isang paso ng bukaklak saka umalis na siya.
"Oh pano mga bro mauna na kayong umuwi." sabi ko.
"Sige bro, magkita na lang tayo bukas." sabi ni Dave.
Tinanguan ko na lang sila at pinuntahan ko ang classroom ng Grade 12. Dala-dala ko naman ang isang medyo malaking paso na may tanim na bulaklak na rose. Gusto kong bigyan ng ganito si Jessa. Napapangiti na lang ako ng maisip ko 'yon. Umuwi na kaya siya? Hindi ko man lang siya nakita ngayong araw na 'to.
Pagkatapos kong ilagay ang bulaklak sa labas ng classroom ng Grade 12 ay umalis na ako. Habang naglalakad ay narinig kong may mga babaeng nag-uusap habang pababa ng hagdan. Hindi nila napansin na nakasunod na pala ako sa kanila. Kaya dahan-dahan akong naglalakad.
"Siguradong hindi na siya makakalabas doon. At doon na rin matutulog hanggang bukas. Hahaha!" sabi ni parang boses 'yin ni Leah.
"Oo nga sa wakas ay nakaganti ka na kay Jessa May." parang boses din 'yon ni Jasmine.
Teka Jessa May? Kaya napahinto ako sa paglalakad. May ginawa ba sila kay Jessa May? Pero bakit? Teka bakit ngayon lang sila umuwi kanina pa natapos 'yong paglilinis namin ah. Saan ba sila nanggaling?
Marami nang katanungan ang nasa isip ko. May ginawa ba silang hindi maganda kay Jessa?
Umakyat ako pabalik ng hagdan at tiningnan ang paligid. Napakatahimik parang wala namang kakaibang nangyari dito.
Sabi ni Leah hindi na siya makakalabas doon. Si Jessa May ba talaga 'yong tinutukoy nila? Pero saan naman nila dinala si Jessa May?
Natataranta akong bumalik ako sa classroom Grade 12. Sinilip ko ang bintana para makita ko ang loob ng classroom pero wala namang tao doon. Pumunta ako sa classroom namin at sinilip din ito pero wala kahit niisang tao roon.
Saan ba nila dinala si Jessa? Teka sa C.R kaya. Dahan-dahan akong pumunta sa C.R at nagmamasid kong may marinig ba akong ingay pero napakatahimik. Pumunta ako sa C.R ng mga lalaki pero walang tao doon.
Pumunta ako sa C.R ng mga babae at sinubukan kong buksan pero nakalock. Doon na ako nagtataka.
To Be Continued....
BINABASA MO ANG
I'm In love With Her
Novela JuvenilDid you fall inlove with your classmate? Yong tipong kapag nakikita mo siya ay hindi mo na siya makakalimutan. The way he look, the way he moved and the way he talked all about him is very awkward. Jessa May Delos Reyes is a simple girl with beauty...
