Jessa's Pov
Next subject na naman. Wala yong teacher namin sa last subject kaya naisip namin ng kagroup member ko na magpractice ng dance para sa friday.
I gathered my groupmates at pinanood namin sa cellphone ko ang dinownload kong video dance na Tango.
"Saan na ba mga partners natin?" tanong ni Ziah.
"Oo nga noh di man lang natin napansin na umalis sila." sabi naman ni Beverly.
"Mabuti pa hanapin na lang natin." sabi ko.
"Mabuti pa nga, let's go guys." sabi ni Marichris.
Nilagay ko muna yong cellphone ko sa bulsa ng palda ko. Lumabas kami ng classroom para hanapin yong mga partner namin. Pumunta kami sa likod ng clasroom baka nandoon sila pero wala.
Kaya pumunta na lang kami sa gymnasium. Pagpasok pa lang namin sa gym, narinig namin ang sobrang lakas na ingay ng kakalase namin. Nagbabangayan pala sila.
"Ayokong makipagpartner sayo Cristy ang arte mo eh." sigaw ni Jammie Leigh.
"At sino namang makipagpartner sayo ang landi mo kaya. Baka pagnanasaan mo pa ako." sabi ni Cristy.
"Ano? Ikaw pagnanasaan ko? Yuck!" Ikaw ang malandi, nilalandi mo nga si Melvin eh. Bakla talaga." inis na sabi ni Jammy Leigh.
"Paki mo ba? Eh ikaw nga nilalandi mo si Jonel. Kaya dito na lang ako kay Papa Melvin." sabi ni Cristy.
"May partner na siya. At isa pa hindi naman natin siya kagrupo." sabi ni Eden.
Dahan-dahan akong lumapit sa kanila.
"Hi guys!" bati ko.
"Hi beshy!" nakangiting bati nina Eden at Jammie Leigh.
"Ano naman ang ginagawa mo dito echosera ka?" mataray na tanong ni Cristy.
"Nandito lang naman ako para sunduin si Melvin."inis na sabi ko.
"Ang landi mo rin te no, aagawin mo pa ang Papa Melvin sa akin." inis sabi ni Cristy.
"Hindi ko siya inagaw. Partner ko siya. Makapapa Melvin ka akala mo naman may kayo." inis na sabi ko habang nakataas ang kaliwang kilay.
Hinatak ko si Melvin at iniwan na namin sila. Hinanap namin 'yong iba naming kagrupo.
"Ikaw talaga kanina ka pa namin hinahanap.Nandito ka lang pala." sabi ko kay Melvin.
"Eh kasi mukhang busy naman kayo kaya pumunta na lang kami dito sa gym. Bakit namiss mo ba ako?" nakangiting sabi ko sabay kindat. Walang ya! Wag na wag mo kong idaan diyan sa kindat mo. Sapakin kita eh!
"Hindi no, wag ka ngang assuming." inis na sabi ko.
Nilapitan namin yong kagrupo namin at buti naman at kasama na nila mga partners nila. Kaya sinimulan na namin ang practice.
"Okay guys, mukhang nasunod natin nang mabuti ang steps, pero kailangan pa nating magpractice para mamaster natin 'yong sayaw." sabi ni Ziah.
"Oo nga eh, kaya galingan natin guys." sabi ni Beverly.
Tumango lang kami at nagpahinga muna saglit.
Bell ringing......
Ibig sabihin non uwian na.
To Be Continued....
Thank you guys!
#nickartcole26
BINABASA MO ANG
I'm In love With Her
Teen FictionDid you fall inlove with your classmate? Yong tipong kapag nakikita mo siya ay hindi mo na siya makakalimutan. The way he look, the way he moved and the way he talked all about him is very awkward. Jessa May Delos Reyes is a simple girl with beauty...
