Chapter 6: 💔

1 1 0
                                        


 

  Roy's Pov

  Thanks author nagkapov rin. Ako nga pala si Roy Chrine Buenavista. I'm 17 years old. Student in Senior High School, Grade -11.

  
  Nandito ako ngayon sa canteen at hinihintay ang girlfriend ko na si Jenny Rose Reyes Cruz. Maganda siya, mahaba ang buhok, smart halos nasa kanya na ang lahat.

   "Hi Roy!" bati niya. Nandito na pala ang pinakamamahal kong girlfriend.

  "Ah hello, halika umupo ka." tumayo ako at inalalayan siyang umupo.

   "Thanks." nakangiting sabi niya.

   "Welcome baby, teka lang oorder ako ng makakain natin." sabi ko at aakmang aalis.

   "Teka lang Roy, hindi 'yan ang ipinunta ko dito. May sasabihin sana ako sayo." seryosong sabi niya.

   "Ano 'yon?" nagtatakang tanong ko at bigla akong kinabahan.

   "Ano kasi....gusto ko nang makipaghiwalay sayo." seryosong sabi niya.

   "Ano? Anong sabi mo?" gulat na tanong ko.

   "Break na tayo, sorry."seryosong sabi niya.

   "Baby, wag mo naman gawin sa akin 'to. Mahal kita 'wag mo naman akong iwan oh." pagmamakaawa ko.

   "Sorry Roy, pero kailangan kong gawin 'to. Sana maintindihan mo ako." aniya.

   "Pero bakit? Ano bang dahilan ha?" malungkot na tanong ko.

   "Dahil may mahal na akong iba Roy, patawarin mo ako. Maiiwan na kita." sabi niya sabay alis.

   Iniwan na niya ako at tuluyan na nga siyang umalis. Di ko namalayan na unti-unti na pa lang tumutulo ang luha sa mata ko. Pinunasan ko ito para hindi ako mahalata ng iba. Gusto kong umiyak at isigaw ang nararamdaman ko.

  Hindi ko matanggap na hiniwalayan niya ako dahil sobrang mahal na mahal ko siya. Hindi pa rin ako makagalaw dahil parang huminto ang ikot ng mundo ko. Hindi ko matanggap na wala na 'yong babaeng mahal na mahal ko.

 
  "Bro ayos ka lang ba?" Dahan dahan ko siyang  nilingon si Neil lang pala.

  "Hindi ako okay bro. Dahil nakipagbreak na sa akin si Jenny." malungkot na sabi ko.

   "Ano kayo ni Jenny, break na? Kailan lang?" 'di makapaniwalang tanong ni Neil.

   "Oo bro, kanina lang." sabi ko.

   "Bakit naman bro, anong nangyari." nag-aalalang tanong niya.

   Kaya ikinuwento ko sa kanya ang lahat dahil hindi ko na kayang pigilan. Dahil sobra na akong nasaktan.

   Mabuti na lang nandito yong kaibigan ko na nakikinig sa problema ko. Pinayuhan niya ako na lalayuan muna si Jenny at hindi ko muna iisipin. Pero paano ko naman magagawa yon?

   Umalis na kami sa canteen at bumalik sa classroom namin.

To Be Continued.....


    Thanks for reading!

Don't forget to vote!

Sorry guys late update but don't worry kasi marami pa po akong iadd na chapter. Please follow me for more updates. Thank you!

Please write your comment po kung meron po kayong suggestions.

#nickartcole26

I'm In love With Her Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon