Chapter 14: 💕

0 1 0
                                        


Kevin's Pov

  Dumating na sila Sir Noreen kasama ang tatlong judges. Kumuha ng judges si Sir dahil sa kanila nakabase ang grades namin.

  "Okay Group 1, be ready!" anunsiyo ni Sir Noreen.

  "Yes sir.!" sabi ng mga kagrupo namin.

  Binaling ko muna ang atensiyon ko kina jessa at Melvin. Napaseryoso niya habang kinakausap siya ni Melvin.

  Nagulat ako ng bigla siyang lumingon sa akin at nagkatinginan kami. Tipid siyang ngumiti at nag-iwas ng tingin.

  Maya-maya ay sinimulan namin ang pagsasayaw.

Jessa's Pov

  Pinanood muna namin ang ibang grupo na nagsasayaw nang may mapansin ako. May isang lalaking istudyante na nakatayo sa gilid ng classroom namin sa may labas. Pinanood din niya ang mga nagsasayawan dito sa playground.

  Actually maraming istudyante ang nanonood at may tatlong judges. Isa sa mga judges ay si Ma'am Rizza May pero 'yong iba ay hindi ko kilala mukhang hindi kasi sila teacher.

  So 'yon balik muna tayo sa lalaking nakita ko. Parang pamilyar siya sa akin, parang nagkita na kami. Saan nga ba 'yon?

Isip......

isip......

isip.....

si......Roy Chrine Buenavesta.

  "Jessa nakikinig ka ba sa akin?" biglang tanong ni Melvin.

  "Ha? May sinasabi ka ba sa akin?" tanong ko.

  "Oo, kanina pa." sagot niya.

  "Sorry, ano nga ulit 'yon?" sabi sabay hawak sa buhok ko.

  "Sabi ko tapos na silang magperform. Teka sino ba 'yong tinitingnan mo?" sabi niya.

  "Wala. Oh ano tayo na?" sabi ko.

  "Anong tayo na hindi naman kita nililigawan ah." nagtatakang tanong niya.

  "I mean tayo nang magperfom, 'wag ka ngang assuming." inis na sabi ko.

  "Oh Group 5 mamaya na kayo magligawan kailangan niyo pang magperform." nakangiting sabi ni Sir Noreen.

  Hinawakan ni Melvin ang kaliwang kamay ko at hinila. Kaya napangiti na lang ako.

  "Ba't ka nakangiti diyan, kinikilig ka ano?" nakangiting tanong niya.

  "Hindi no, assuming." inis na sabi ko.

  "Asos, kinikilig ka eh." pang-aasar niya.

  "Tumigil ka nga diyan." mahinang sabi ko.

  Pumunta na kami sa unahan at pinatugtog na 'yong Tango music at sumayaw na kami partner by partner.

 
To Be Continued....



 

I'm In love With Her Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon