Roy's Pov
Nandito ako ngayon sa classroom namin. Habang wala pa masyadong istudyante, lumabas muna ako sa classroom. Pupunta muna ako sa room ng Grade 10 baka nandon si Jenny. Kahit wala na kami hindi ko pa rin siya makakalimutan, miss na miss ko na siya.
Bumaba ako ng hagdan, bigla na lang akong nabangga sa isang babae dahil nagmamadali ito sa paglalakad. Napaupo siya at parang natamaan 'yong tuhod niya dahil sa pagkabagsak niya sa sahig.
Isa din siyang istudyante dito. Nakatali at nakasintipid ang mahaba niyang itim na buhok. Nakaeye glasses siya pero wala siyang bangs ha. Medyo matangos ang kanyang ilong, maputi at makinis ang kanyang mukha. Ang ganda ng lips niya halatang di naglipstick dahil natural na ang kulay nito. Ang ganda niya.
"Aray!" sabi niya habang hinahawakan yong tuhod niya.
"Sorry Miss! Okay ka lang ba?" nag-aalalang sabi ko.
Pero hindi siya umimik sa halip ay nakatitig siya sa akin.
"Miss okay ka lang ba?" tanong ko ulit.
"A-ah oo, okay lang ako." ang sabi niya.
"Sigurado ka? Baka napano ka na, dadalhin na lang kita sa clinic." nag-aalalang sabi ko.
"Ah hindi na.Okay lang. Sorry din nagmamadali kasi ako eh." ang sabi niya.
Aakma na siyang tumayo kaya agad kong inabot 'yong kamay niya at tinulungan ko siyang tumayo.
"Salamat ha?" aniya.
"Ah wala yon. Roy Chrine Buenavista nga pala." sabi ko sabay lahad ng kamay ko sa kanya.
"Ako naman si Jessa May Delos Reyes." ang sagot niya. Inabot din 'yong kamay niya at nagshake hands kami.
"Wow! Ang ganda naman ng pangalan mo kasing ganda mo." nakangiting sabi ko.
"Thanks. So pa'no mauna na ako." ang sabi niya.
"Okay. Sana magkita tayo ulit." ang sabi ko.
Tumango na lang siya at iniwan na ako. Sinundan ko na lang siya ng tingin. Unang kita ko pa lang sa kanya, sobrang gaan na ng pakiramdam ko. Magkikita din tayong muli Magandang Binibini.
Kaya dali- dali kong pinuntahan ang classroom ni Jenny. Nang makarating ako doon nakita ko si Jenny kasama ang mga kaibigan niya. Tiningnan ko na lang siya sa bintana habang nasa labas ako ng classroom nila. Bigla na lang akong nalungkot.
Limang buwan ko siyang naging karelasyon at nakasama. Naging masaya kami sa relasyon namin at ang laki ng pinagbago ko simula nang dumating siya sa buhay ko. Pero hindi ko inakala na mawawala siya sa akin.
Kaya bumalik na lang ako sa classroom namin.
To Be Continued.....
Thank you for reading!
I hope you like it.
Please vote and leave your comment here!
See you next chapter!
Good luck and stay safe! 💝
#nickartcole26
BINABASA MO ANG
I'm In love With Her
Teen FictionDid you fall inlove with your classmate? Yong tipong kapag nakikita mo siya ay hindi mo na siya makakalimutan. The way he look, the way he moved and the way he talked all about him is very awkward. Jessa May Delos Reyes is a simple girl with beauty...
