Roy's POV
Pagkatapos niyang mamili ng mga gamit ay pumunta na kami sa counter at nagbayad. Pagkatapos ay umalis na kami ng Grocery Store.
"Jessa may pupuntahan ka pa bang iba?" tanong ko.
"Wala na uuwi na ako sa bahay." sagot ko.
"Ganoon ba? Mabuti pa ihahatid na kita." sabi ko.
"Naku! Sinamahan mo na nga akong mamili tapos ihahatid mo pa ako. Wag na lang malapit lang naman yong bahay namin eh." sabi niya.
"Grabe naman minsan nga lang tayo magkita hindi mo man lang ba ako pagbibigyan?" kunwaring nagtatampong sabi ko.
"Hay naku, sige na nga. Bahala ka." sabi niya.
Yesss! Pinagbigyan niya ako. Ayos!
Kaya sobrang saya ko dahil makakasama ko na naman siyang maglalakad. Ayaw niya naman sumakay dahil gusto niyang eenjoy ang mga nakikita niya habang naglalakad. Kaya tinukungan ko na lang siyang dalhun ying mga pinambiki niya.
Maganda nga yon para mas makausap ko siya at makasama nang medyo matagal.
Sa di kalayuan natanaw ko ang isang babae at isang lalaki na naglalakad rin. Parang magkakasalubungan kami. Si Jenny Rose yon ah. At sino ba yong lalakong kasama niya? Nakapulupot pa yong kamay niya sa braso ng lalaki. Yan na ba ang ipinalit niya sa akin?
Nasa harapan na namin sila. Tiningnan ko si Jenny Rose at naiinis ako sa kasama niya.
"Ikaw pala Chrine?" nakangiting sabi niya.
"Sino siya?" diretsong tanong ko.
"Ahm...he is my boyfriend, Albert." pakilala niya.
"Ano?" inis na tanong ko habang nakakuyom naman yong kamao ko. Bakit ba ako nasasaktan?
"Chill lang pare. Pasensiya ka na dahil wala ka nang magagawa kung ayaw niya na talaga sayo." mayabang na sabi ni Albert. Gago talaga!
"Chrine sorry." seryosong sabi ni Jenny Rose. "At sino namn siya, 'wag mong sabihin siya na ang bagong Girlfriend mo ngayon. Ang bilis ah." hindi maka paniwalang sabi niya.
"Hindi ko pa siya Girlfriend, nililigawan ko pa lang siya." sabi ko.
"Ah maganda din siya katulad ko. Hindi na nakakapagtaka kung nagkagusto ka kaagad sa kaniya." sabi niya with fake smile. Nagseselos ba siya? "Hi I'm Jenny Rose and you?" bati niya kay Jessa sabay abot ng kamay.
"Hello I'm Jessa May." bati rin ni Jessa at inabot ang kanyang kanang kamay. Nagshake hands sila at binigyan lang siya ni Jessa ng simpleng ngiti habang lumalabas ang malalim niyang dimple. Ang ganda niya talaga.
"So pano mauna na kami." sabi ni Jenny Rose. "Bye Chrine bye Jessa.May."
"Bye Pare, ingatan mo yang jowa mo baka maagaw pa yang ng iba." mayabang na sabi ni Albert.
Kaya umalis na sila at sinundan ko na lang sila ng tingin.
"Roy okay ka lang ba?" biglang tanong ni Jessa.
"Oo, okay lang ako." sabi ko. "Tara ihahatid na kita."
"Ah okay. Ahm...may itatanong lang sana ako." seryosong sabi niya.
"Ano yon?" tanong ko.
"Bakit ka pala nagalit sa lalaking kasama ni Jessa kanina?" seryosong tanong ni Jessa.
"Naiinis lang ako sa Albert na yon dahil siya yong ipinalit sa akin ni Jenny Rose sobrang yabang." inis na sabi ko.
"Ano? So you mean naging Girlfriend mo si Jenny Rose?" di makapaniwalang tanong niya.
BINABASA MO ANG
I'm In love With Her
Novela JuvenilDid you fall inlove with your classmate? Yong tipong kapag nakikita mo siya ay hindi mo na siya makakalimutan. The way he look, the way he moved and the way he talked all about him is very awkward. Jessa May Delos Reyes is a simple girl with beauty...
