Chapter 4 💕

5 1 0
                                        

REY'S POV

Hi readers! I'm Rey De Vera Brilliantes. 18 years old, Grade - 12 student.

Yan lang muna guys makikilala nyo rin ako.

Nandito kami ngayon sa basketball court kasama ang mga tropa ko at naglalaro kami.


Ang galing ng mga kalaban namin na galing pa sa ibang bayan. Pero siyempre mas magaling kami ng mga tropa ko.

Ibinalik ko na ang atensiyon ko sa laro. Tamang-tama hawak ni Arjay ang bola kaya siya naman ang binabantayan ng mga kalaban. Iwas sa kanan at iwas sa kaliwa ang ginagawa nya. Siguro nag-iisip na siya ng malulusutan ngayon.

Nang harangin siya ng kalaban, bigla siyang yumuko kaya napayuko din ang isang kalaban. Bigla naman siyang umiwas at tumayo. Kaya nagkataon na nakita niya si Jonel na walang nakaharang na kalaban.


Kaya agad niyang ipinasa kay Jonel ang bola at mabilis itong sinambot ni Jonel. Mabilis siyang tumakbo para ishoot ang bola. Ayon hulog!


"I love you Jonel!" Girl 1


"Yeeeih! Idol talaga kita Jonel!" Girl 2.


Nginitian lang sila ni Jonel at nagflying kiss. Umaandar na naman ang pagkachixboy. Gwapo na magaling pa. Ay nakakabakla hahaha joke. Wag naman liligawan ko pa si Jessa eh.


Pinagpatuloy namin ang laro hanggang napasaakin na naman ang bola. Nang mashoot ko sa ring ang bola may biglang sumigaw.


"Whooah! Go Rey!" Bigla kong nilingon ang ang babaeng sumisigaw si Jammy Leigh lang pala. At kasama niya sila Eden at Jessa. Biglang nagbago ang ikot ng mundo ko. Tiningnan ko siya at nginitian. Ang saya saya ko kasi nandito siya at nanonood ng laro namin. Yesss!


Nagpatuloy na naman kami sa laro hanggang sa matapos na namin ito. 105/120. Kami ang lamang. Oh diba ang galing?

Kaya nilapitan na namin ang mga girls.

"Hi Jessa!" bati ni Melvin. Nakakainis talaga naunahan pa ako.

"Hello! Kumusta ang laro nyo?" Nakangiting tanong niya. Ang ganda niya talaga.

"Okay lang naman." Ako/Melvin/Kevin. Sabay kaming tatlo?

"Hi Jonel, kumusta ka?" tanong naman ni Jammie Leigh.

"Okay lang naman, masaya kasi nakita kita." sagot ni Jonel sabay akbay kay Jammy Leigh. Aww! Chumachanseng ang loko!

"Ano kaba Jonel bitawan mo nga ako." pabebeng sabi ni Jammie Leigh. Pachoosy pa eh gusto naman.

"Ah guys mauna na ako may gagawin pa ako sa bahay eh." sabi ni Jessa.

"Ihahatid na kita." sabi ko.

"Ha? Ahm wag na kaya ko naman umuwi mag-isa eh. May dadaanan din kasi ako." pagtatanggi niya. Sayang naman oh.

"Ganoon ba? Sige mag-iingat ka." sabi ko.

"Salamat. Bye guys, bye beshy." sabay yakap kina Eden at Jammy Leigh. Ang sweet niya naman kaya ako nainlove eh.

"Sige ingat ka. Ba't ayaw pa kasi magpahatid , pachoosy ka pa talaga." sabi ni Jammy Leigh. Oo nga.

"Okay lang ako." sabi niya sabay alis. Sinundan na lang namin siya ng tingin hanggang sa makalayo.


To Be Continued.....


Thank you so much for reading!

Sana nagustuhan ninyo.

Please vote and write your comment.

#nickartcole26

I'm In love With Her Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon