Chapter: 8 💕

2 1 0
                                        

Rey's Pov

    Nandito kami ngayon sa gym. Kasama ko ang mga kagroupmate ko. Nagpractice kami ng dance na waltz dahil iperform na namin ito sa Friday.

   Group 1 kami at ito yong kapartners namin.

  Kevin and Avie
Arnel and Jhoy
Jonel and Rose
Jonathan and Grace
Me and Elisa


   Nagsimula na kaming magpractice at nagkakamali pa rin kami paminsan-minsan. Hanggang sa nakuha na namin ang lahat ng steps.


  "Perfect guys! Magaling!" malakas na sabi ni Jhoy habang nakangiti.


  "Siyempre naman, kailangan nating galingan para makakuha tayo ng mas mataas na grades no." sabi ni Elisa.


   "Oo nga. Kaya magpahinga muna tayo saglit guys." sabi ni Jhoy.

  

   Umupo muna kami sa mga bakanteng upuan at pinanood namin ang iba pa naming kaklase na nagpapractice rin. Ang ibang grupo ay tumigil na sa pagsasayaw at 'yong ibang grupo naman ay nagpapahinga na rin. Maliban na lang sa grupo nila Jessa May, nagpapractice pa rin sila.

   Partner niya si Melvin na tropa ko at okay naman 'yong practice nila. Parang nagbabangayan silang dalawa. Inaasar na naman ni Melvin si Jessa na halata namang napipikon na. Ano na naman kaya ang ginagawa sa kanya ng lokong yon? Pinaiinis na naman ang prinsesa ko.

   "Guys, maiiwan muna namin kayo ha? Pupunta muna kami ng C.R." sabi ni Jhoy at kasama niya sila Rose at Grace.

   Umalis na sila kaya binaling ko ang atensiyon ko kina Jessa at Melvin. Bigla silang tumigil sa pagsasayaw at nagkatinginan sa isa't isa. Ano kaya ang nangyari? Parang inaasar ni Melvin si Jessa dahil hindi na naman maguhit ang mukha.

  "Ano? Bakit naman ako kikiligin? At sayo pa talaga." sabi ni Jessa.

  "Ano daw?" tanong ng iba naming kaklase.

  "Ah wala guys." sabi ni Jessa at nagpeace sign.

  Bell ringing....

  Nagsiuwian na kami kasama ng mga tropa ko sila Kevin at Arjun. Nasaan na naman ba si Melvin?

  "Oh par, kumusta ang practice ninyo?" tanong ni Melvin na biglang sumulpot sa gilid namin.

  "Ah ayos lang naman. Sa inyo ba?" tanong ni Kevin.

  "Ayos lang naman kasi napagtripan ko na naman si Jessa." nakangiting sabi niya.

  "Ano? Hahaha hanep ka talaga pare. Wala ka talagang pinapalagpas na babae." natatawang sabi ni Arjun.

  "Gago ka ah. Ginawa mo 'yon at kay Jessa pa talaga?" inis na tanong ko.

  "Oo naman, wala naman akong ibang mapapagtripan eh. Ang sarap niya kasing asarin." sabi ni Melvin.

  "Ano ka ba Melvin. Tigil-tigilan mo nga si Jessa, wala naman siyang ginagawang masama sayo ah." sabi ni Kevin. Wow concern ah! Kailan lang ba siya nagkaganyan sa babae?

  "Ano bang pakialam niyo? Trip ko 'to no kaya 'wag kayong makialam." inis na sabi ni Melvin. "Teka lang, ba't ba kayo ganyan? Aminin niyo nga sa akin Rey, Kevin may gusto ba kayo kay Jessa?"

  "Ano ako? May gusto?" sabay turo ni Kevin sa sarili. "Hindi no, hindi ko siya gusto."

  "Pero ako meron, gusto ko si Jessa. Kaya kung may masama kang balak kay Jessa, kalimutan mo ang pagkakaibigan natin." mariing sabi ko.

  "Grabe ka Rey para lang sa babae gagawin mo 'yon?" nakangiting sabi niya at saka umiling.

  "Oo naman. Kaya umayos ka Melvin." sabi ko.

  "Basta par, kung mangtrip ka 'wag naman kay Jessa kasi ang bait-bait kaya niya." sabi ni Arjun.

  "Pati ba naman ikaw may gusto din kay Jessa?" inis na tanong ni Melvin at ibinaling ang tingin kay Arjun.

"Wala naman, siyempre concern lang din. Dahil nagkasama na rin kami sa grupo at maayos ang pakikitungo niya sa amin." paliwanag ni Arjun.

  "Okay. Promise hindi ko na siya pagtitripan ulit." sabi ni Melvin.

  "Salamat par." sabi ko.

To Be Continued.....

Thanks for reading!😊

Please vote!

Please follow me para updated kayo sa story na to.

#nickartcole-26

I'm In love With Her Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon