Chapter 10: 💕

2 1 0
                                        

Kevin's Pov

   Kinabukasan maaga akong pumasok sa school. Hindi pa pumasok ang iba kong kaklase kaya umupo na lang muna ako malapit sa bintana. Tinitingnan ko ang mga istudyanteng naglalakad sa labas.

   Marami ng mga istudyanteng nagsidatingan pero isa lang nakaagaw sa akin ng pansin. Magkasama si Rey at si Jessa. Masaya sila habang naglalakad. Bakit ba kasi sila magkasama? Nakakainis naman eh.

   Dahan-dahan silang naglalakad hanggang sa makapasok na sila sa classroom namin.

  "Hi Beshy, good morning!" sigaw ng babae. Si Eden lang pala.

   "Hello Beshy, namiss ko kayo." masayang bati din ni Jessa sabay yakap.

    "Haha, ikaw talaga nagkita naman tayo kahapon ah." sabi ni Eden. "Hi Rey!" bati din ni Eden kay Rey.

  "Hello Eden! Kumusta ka?" sabi ni Rey.

   "Ayos lang naman." sagot ni Eden.

   "Ah Besh, grabe ka talaga nakita ko 'yong post mo sa facebook ang daming nagcomment." sabi ni Eden.

  "Huh? Alin naman doon?" nagtatakang tanong ni Jessa.

  "Basta tingnan mo na lang. Inlove ka na ba, sino ba siya?" pang-aasar ni Eden

  "Ano ka ba? Wala 'yon. Mamaya ko na 'yon titingnan pag hindi na ako busy." sabi ni Jessa.

  Tumango na lang si Eden at ngumiti. Pumasok na sila sa classroom namin.

  Kanino kaya nainlove si Jessa baka kay Melvin o kaya kay Rey. Alangan naman sa akin 'di nga ako pinapansin non eh.

  Maya-maya ay pumasok na ang teacher namin sa math.

Discuss.......

Discuss.......

Dismiss......

JESSA'S POV


  Nandito kami ngayon sa school at hinihintay ang teacher namin para sa 2nd Subject.

  Dahil wala pa naman si Ma'am, lumabas muna ako ng classroom. Paglabas ko sinalubong na ako ng malamig na hangin. Hmmm! Ang ganda ng pakiramdam ko.

  Ngunit sa 'di kalayuan ay nakita ko na si Ma'am Rizza May na dahan-dahang naglalakad papalapit sa classroom namin. Dali-dali naman akong pumasok sa classroom. Pupunta na sana ako sa upuan ko pero si Valen na ang nakaupo doon. Ibang iba kasi 'yong mga kakalase ko mahilig mang-agaw ng upuan eh.

  "Jessa dito ka na lang umupo sa tabi ko." biglang sabi ni Rey.

  "Ahm sige salamat." nakangiting sagot ko sa kanya.

  Kaya umupo na ako sa bakanteng upuan na nasa tabi niya.  Napasulyap ako sa kinaroroonan ni Kevin pero nakatingin siya sa labas ng bintana.

  "Okay ka lang ba Jessa?" biglang tanong ni Rey kaya napatingin ako sa kanya.

  "Ah....oo naman, okay lang ako." sabi ko sa kanya nang may simpleng ngiti.

  Kaya ngumiti na lang siya. Guwapo din siya parang artista eh. Napakatangos ng ilong niya. Maganda ang mata niya parang nangungusap at kumikinang, maputi at makinis ang mukha. Mapupula at hindi masyadong makapal ang lips niya. Perfect! Napangiti na lang ako nang maisip ko 'yon.

  "Anong ngini-ngiti mo diyan, nagagwapuhan ka ba sa akin?" biglang tanong niya habang nakangiti.

  Napabalik naman ako sa wisyo ko

  "A-ah wala, may naalala lang ako. Masasayang ala-ala." palusot ko.

  "Ganoon ba? Sana kasama ako sa ala-ala mo." nakangiting sabi niya.

  "Ano?" gulat na tanong ko.

  "Ahm wala kalimutan mo na 'yon." sabi niya.

  "Good morning class!" biglang bati ni Ma'am Rizza May. Kaya binaling ko kay Ma'am ang atensiyon ko.

  "Good morning Ma'am!" masayang bati ng kaklase namin.

  Tumango na lang siya. "Okay get your notebook and pass your assignment." sabi ni Ma'am.

  Ay oo nga pala. Kaya kinuha ko 'yong assignment ko at pinasa.

To Be Continued.....


Thanks for reading!
 
 I hope you like it!

Don't forget to vote and comment!

I hope you will wait for the next updates. Thank you guys!

Stay safe and be patient!💕

#nickartcole-26

I'm In love With Her Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon