Chapter 2: You Attract What You Hate

14 2 0
                                    

Chapter 2:
You Attract What You Hate

Ako ang unang customer ng Amanté de Cafe ngayong araw.

Wala pang ibang tao bukod sa akin. Ipagpapasalamat ko rin kung sakaling hindi ko kailangang makita ang grupo ng mga babae na nakita ko kahapon. Ngayon, puwede ko nang enjoy-in ang mocha frappe at chocolate cake ko nang mapayapa. Makakapagsimula na rin ako ng panibagong blog. Minsan talaga, namamangha na lang ako sa sarili ko dahil kaya ko palang tapusin ang isang bagay kahit na napakaraming distractions sa paligid.

Sana lang talaga hindi na maulit ang araw na iyon ngayon, bukas at sa mga susunod pang mga araw.

“Good morning, Miss,” nakangiting bati sa akin ng barista na nagpalitaw ng dimple nito sa kaliwang pisngi.

Dalawang tao lang ang nakikita kong nag-aasikaso sa shop: cashier at barista, parehong lalaki. Wala yata ang cashier kaya siya muna ang naka-assign sa counter. On the other hand, siya naman ang palagi kong nadadatnan sa coffee shop na ito tuwing umaga.

I’ve seen him for months and his face is really familiar but I’ve no idea what’s his name. I also think I’ve seen him somewhere but I can’t remember where and when. Or familiar lang siya kasi ang friendly niya pagdating sa mga customers? Or palagi akong nandito sa shop at nakikita ko ang mukha niya to the point na nagra-rumble-rumble na sa utak ko ang lahat ng detalye sa memorya ko? I don't know.

“Mocha frappe and chocolate cake, please.” I said. Iyon lang naman palagi ang ino-order ko.

“Right away!” Tatalikod na sana siya pero mapahinto rin agad. “Miss? Hindi niyo po ba dala ang card niyo?”

“Wait.” Agad kong kinapa ang bag ko pero natigilan din ako. “Ah, hindi pala.”

The barista gave me a boyish smile saka inasikaso ang paggawa ng mocha frappe ko. Pumunta naman ako sa waiting area para hintayin ang kape ko.

Nakaramdam ako ng panghihinayang. Discount card pa naman iyon para sa mga regular nilang customers. But what can I do? Lady Luck isn’t in my favors yesterday. Akala ko natulungan na ako pero nanakawan din pala. Mabuti na lang, mayroon pa akong natirang cash at hindi nasama roon ang school ID ko. Well, may ID naman akong naiwan doon pero noong mga nasa lower grade pa ako.

Tumunog ang chimes sa coffee shop kaya napalingon ako roon. May pumasok na babae at lalaking nagtatalo hanggang sa makarating sila sa likod ko.

“Babe, kahit saang anggulo mo tingnan, mas nauna ‘yong itlog sa manok!”

“Ah, talaga? So, saan galing ‘yong itlog?”

“Sa manok—”

“Oh, see? Manok nga talaga ang nauna. Huwag mo na ipilit!”

“Itlog nga—”

“Bakit, ‘yong Diyos ba ang nangitlog?”

Napapalatak ako dahil sa ingay. Pati ba naman ang origin ng manok at itlog, pinag-aawayan pa talaga? Gosh. Couples nowadays. Siguro kung ibang tao ang makakarinig noon, paniguradong matatawa sila. I don’t find it funny, though.

“Kita mo, nainis tuloy ‘yong babae sa’yo.”

“Nakakainis naman kasi ‘yong opinyon mo.”

Inayos ko kaagad ang sarili ko at umarteng tumitingin sa kung saan-saan. Mabuti naman at marunong sila makiramdam. Nakukulili na talaga ang tainga ko sa ingay simula kahapon.

Napalingon ako agad nang may kumalabit sa akin. It’s the guy na pinaglalabang nauna ang itlog bago ang manok.

“Miss, ano sa tingin mo ang nauna—itlog o manok?” tanong sa akin nito.

As We MeetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon