Chapter 7: Who Hides Something

6 1 0
                                    

Chapter 7:
Who Hides Something

Ghosts are not existing but ghosts of the past do. I’ve encountered one a while ago, and I also encountered one in front of me.

At sa pagkakataong hindi ko pa inakala kahit kailan.

“Did you do something to be sorry?” I asked with a straight face.

“Meron,” mabilis na sagot ni Elaine. “Alam kong alam mo rin na meron.”

“Kung meron nga, ano? Gusto kong sa‘yo mismo manggaling ‘yong dahilan ng sorry mo.”

“About Kiara. N-Nakipagsabwatan ako sa kanya para ipahiya ka sa buong school noon.”

Hinihiling ko na lang na sana hindi ko sinabi iyon dahil mas lalo lang nabudburan ng asin ang sugat sa puso ko dahil sa sagot niya. Tila nag-flashback sa isip ko ang mga nangyari sa akin last year sa junior high school. I also felt a stab in my chest after reminiscing those memories. It’s still clear inside my head. I can even describe those vividly.

“Ano pa?”

“I... I don’t know. Wala na akong maalala.”

“Umalis ka na.” Lalampasan ko na sana siya nang hawakan niya ako.

“H-Hindi ka galit?”

Inalis ko ang kamay niya sa balikat ko. Tinatanong ba niya talaga sa akin iyan?

“Sino’ng hindi magagalit sa ginawa mo—niyo?”

“Are you—”

“If I already forgave you?” sarkastiko akong tumawa. “Sino’ng tanga ang magpapatawad agad sa isang sorry ng taong may malaking kasalanan sa kanya?”

Napayuko ito. “I’m really sorry, Annelysse. Sumbatan mo na ako. Sabihin mo na lahat ng gusto mong sabihin. Tatanggapin ko kasi deserve ko naman.”

I clenched my fist. "You have no idea how much I want to do that. Pero ano’ng malay ko kung may matibay kayong dahilan bakit niyo ginawa ‘yon, ‘di ba? Ayokong mabaliktad na naman ako gaya ng ginawa niyo noon.”

“Sorry, Annelysse. I know, wala nang magagawa ang sorry ko—”

“Talagang wala nang magagawa ‘yong sorry mo,” matigas na sabi ko. “Two years ago, you and Kiara made my school life a living hell. Sa tingin mo, mababalik pa ba ‘yon sa isang sorry lang?”

I bit my lower lip to prevent my tears from falling. Anytime, maiiyak ako at ayokong magmukhang mahina sa harap niya—sa taong sinamantala noon ang kahinaan ko.

“S-Sorry, Anne. Sorry. Alam kong sobrang sakit ng ginawa ko sa‘yo. Hindi ‘yon makukuha ng isang sorry lang. Kaya lang, ‘yon lang talaga ang kaya kong s-sabihin sa ngayon.”

“And you’re asking me if I can forgive you?”

Napayuko ito.

“Think back at everything you’ve done. Pagkatapos, tanungin mo ‘yang sarili mo kung deserve ka pa bang patawarin.”

Bago ko pa marinig ang pinaka-nakakairitang salita mula sa kanya, iniwan ko na siyang mag-isa.

•••

•••

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
As We MeetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon