Chapter 8: Calm Before the Storm

6 0 0
                                    

Chapter 8:
Calm Before The Storm

Lutang ako sa buong trabaho ko.

Ilang beses akong napuna dahil mali-maling orders ang nakuha ko. Napagalitan din ako ng manager dahil nahuhuli niya akong nakasimangot sa ibang customers. Mabuti na lang, may nakipagpalitan sa akin sa counter kaya sa kitchen ako in-assign. At least, hindi ko kailangan makipag-interact.

Wala rin ako sa sarili habang pauwi. Tinanong pa ako ni Yvonne kung bakit ginabi na naman ako ng uwi. Hindi ko siya pinansin at dumiretso lang ako sa kuwarto.

Gusto kong magpahinga.

Ibinagsak ko ang sarili ko sa kama at kasabay noon ang pagbagsak ng luha ko. Nasundan iyon hanggang sa napahagulgol na lang ako ng iyak.

Pinikit ko ang mga mata ko pero may scenario na nagsilitawan sa isip ko. Kasabay noon ang iba't ibang pamilyar na boses na nag-e-echo sa loob ng utak ko.

“What a low-key flirt.”

“Tahimik pero may tinatago palang landi.”

Tinakpan ko ang mga tainga ko pero nonsense dahil naririnig ko pa rin sila.

Tama na.

”Pabida.”

“Manggagamit.”

“Kating-kati ka na ba?”

Stop... please...

“Hindi ba natin siya isasama?”

“No.”

“Why? She's your friend.”

“Friend? I never treated her as one.”

"Tama na sabi, e!"

Nag-echo sa buong kuwarto ko ang sigaw kong iyon. Ilang segundo akong natulala saka napahagulgol ng iyak.

Ayoko na.

Gusto ko na kayong ibaon sa limot.

Don't be pessimistic, Anne.

Think positive. Hindi ka dapat mag-isip ng kung ano-anong bagay na puwedeng pag-ugatan para malungkot ka.

Wala akong ibang ginawa kundi umiyak buong gabi. There, I woke up with a pair of puffy eyes but what’s worse is the heavy feeling inside my heart. I badly want to sleep and stay inside my room all day since it’s Sunday, kaya lang naalala ko na may celebration pa pala kami para kay Gab.

Ayoko namang makita nila akong malungkot habang sila, nagse-celebrate. Magmumukha akong killjoy.

Kaya ito, pinipilit kong maging masigla.

Ginamitan ko ng concealer ang mata kong namamaga para hindi masyadong pansinin. I also put some makeup. Pagkatapos, pumunta ako sa Amanté de Cafe.

Inaasahan kong marami nang tao sa shop nila dahil alas nuebe y media na nang umaga. Kaya lang, wala man lang katao-tao at nakaharap din ang “closed” sign sa may pinto.

Usually, hindi nagsasara ang coffee shop na ito tuwing Linggo. Tumatambay pa nga ako rito tuwing umaga. Maaga lang silang nagsasara pero ngayon ko lang yata nakitang nakaharap ang signboard na close sa shop nila.

Sumilip ako sa loob at nakita ko naman si Fix na mag-isa—as usual—na nagpupunas ng countertop. Agad akong pumasok sa loob na nagpatunog ng chimes na nakasabit sa pinto.

Siya ba ang may gawa nito? How come na napakiusapan niya nang ganoon lang ang manager or owner ng pinagtatrabahuhan niya?

“Sorry, closed kami---ikaw pala, Anne! Good morning.”

As We MeetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon