Chapter 3: The Social Butterfly

8 2 0
                                    

Chapter 3:
The Social Butterfly

Chapter 3:The Social Butterfly

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

“Good morning, President!”

“Good morning,” balik-bati ko sa mga kaklase ko at umupo sa armchair ko. Isasalpak ko na sana ang earphones ko nang lapitan ako ng isa kong kaklase.

“Gab, may homework ka na sa MIL?”  tanong nito.

“Yes. Wala ka pang gawa?”

He smiled sheepishly. “Oo, e.”

Kinuha ko sa bag ang notebook ko saka ibinigay iyon sa kanya. Lumawak naman ang kanyang ngiti. “Salamat! Sana lahat katulad mo, nagpapakopya.”

Nginitian ko lang siya.

“Good morning, Gab!”

Isa-isang pumasok ang mga kaklase-slash-kaibigan ko sa classroom para batiin ako. Sa peripheral vision ko, may mga kaklase akong masama ang tingin sa akin.

Napangiti ako nang palihim.

I have a lot of friends and that’s the main reason why everyone's jealous at me. I’m aware of it. Friendly kasi ako. Kaya kong makahakot ng kaibigan at makapalagayan ng loob ang isang tao sa loob ng limang minuto.

Well, hindi naman kasi ganoon kahirap makipag-socialize. Tell them nice things and flash them your sweetest smile, and they will automatically consider you as their friend.

Marami ngang naiinggit sa akin kasi masyado raw akong sipsip sa ibang tao. Ang nakakatawa, halos lahat din ng mga naiinggit sa akin, mga kaibigan ko. Those type of friends na ngingitian ka kapag nakaharap ka sa kanila pero ang daming sinasabi kapag nakatalikod.

I don't call them backstabbers. They're my friends. But, it doesn't mean they're my real friends.

Alam kong kinakaibigan lang nila ako dahil nahihingian nila ako ng tulong. Kahit ano, ibinibigay ko. Kahit ano, ginagawa at inaako ko. Ginagamit nila ako kaya ginagamit ko rin sila. I use them for my own image and they use me as an object. It’s like scratching each other’s backs yet I know that they’re going to stab mine.

Pumunta ako sa bintana para hawiin ang kurtina. Nakita ko si Anne na nagbabasa ng libro kahit nagkakagulo ang section nila.

Paano niya kayang nakukuhang mag-concentrate?

I can’t help but to smile. Napaka-introvert talaga ng vibes niya.

Dati, wala akong pakialam sa section one dahil wala silang ibang ginawa kundi ipagyabang ang grades nila. Maraming issue na lumalabas na ma-a-attitude at malaki ang ulo dahil matatalino silang lahat.

Hindi naman pala lahat.

Kahit marami akong kaibigan at lahat sila ginagamit lang ako para sa pansarili nilang interes, hindi naman ako nawawalan ng pag-asa na makahanap din ng kaibigan na handa kong pagbigyan ng tiwala.

As We MeetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon