Chapter 11:
Second ThoughtsPalagi akong pinapagalitan noong bata ako dahil ang dali kong magtiwala kung kani-kanino. Friendly kasi ako noon. Ang hilig ko makihalubilo kahit sa mga nanay ng kaklase ko noong elementary ako. Muntik pa nga akong matangay ng kung sinong nanay. Sabi kasi niya, siya ang pinapunta ni Mama dahil may emergency raw sa bahay. Dahil bata pa ako noon, sumama ako. Kaya lang, dumating si Mama bago pa ako tuluyang ipasok sa van nila.
Noong first day ko naman dito sa senior high, nilapitan ako ng isa kong kaklase at gusto niya raw makipagkaibigan sa akin. Dahil gusto ko ng kaibigan matapos akong iwanan nina Kiara at Elaine, tinanggap ko ang friendship niya.
But I found out she only befriended me because she needed something, and she was asked by Kiara to do so.
Simula noon, natuto akong huwag magtiwala sa ibang tao. Inilayo ko ang sarili ko sa kanila. At least sa paraang iyon, safe ako. Sarili ko lang ang makakapanakit sa akin.
Pero mukhang pinaglihi yata ako sa magnet kaya na-a-attract ko ang mga taong may masasamang intensyon sa akin.
“‘Oy, Anne!”
Napapitlag ako nang may pumitik sa harap ko. Nakaupo sa tapat ko si Gab at katabi ni Casey.
“May problema ba? Medyo lutang ka, girl,” sabi ni Casey.
“Binubusog lang siguro ni Anne 'yong mata niya sa chocolate cake,” singit ni Gab. “‘Di ba?”
Napaiwas ako ng tingin.
No. Hindi siya katulad ng mga naiisip mong tao, Anne. Tinulungan ka niya kay Elaine. Imposibleng pinepeke niya lang ang concern niya sa'yo.
Tumakbo ako nang makita kong kasama ni Gab si Kiara kanina. Mukhang hindi niya rin naman ako napansin lalo pa't wala naman siyang tinanong o binanggit sa akin hanggang makapunta kami rito sa cafeteria.
Gusto ko siyang tanungin kung ano ang pinag-usapan nila. Nilalamon ako ng curiosity kung ano ang deal nilang dalawa.
Normal na shake hands lang naman iyon. Normal na pag-uusap. Normal na deal. Pero bakit ako naghihinala?
Paano kung may simpleng event lang na s-in-uggest si Kiara at pumayag si Gab? Paano kung may gustong gawin si Kiara at nakipag-deal si Gab dito?
No, Annelysse.
But Kiara and Gab are not in good terms. Nakita mo nga iyon noong nagkita silang dalawa sa mall.
But what if...
No. Sasabihin naman niya sa akin kung ano ang pinag-usapan nila, right? We're friends. And I guess, nasa mind setting niya rin na hindi naglilihim ang magkaibigan sa isa't isa.
Well... I hope so.
“By the way, nakita ko na 'yong footage noong araw na ikinulong ka sa CR, Anne,” sabi ni Gab.
“So, may lead na ba?” tanong naman ni Casey.
She sighed. “Hindi ma-identify lalo pa't ang labo ng CCTV camera.”
“What? Sikat na school itong Feuillemort pero hindi high quality ang CCTV cameras?”
"Casey."
Tumingin kasi sa amin ang mga estudyante sa malapit dahil sa lakas ng boses niya.
"You mean, wala ng chance para mahuli 'yong gumawa noon kay Annie?" tanong nito na parang wala lang sa kanya kung nakakuha siya ng atensyon.
“Parang ganoon na nga.”
BINABASA MO ANG
As We Meet
Teen FictionSix different individuals who have different ideas about friendship. "Friends are just burden. What's the purpose of having such friends if you can rely on yourself?" "Socializing isn't my thing. People come to me first. The grain itself comes near...