Chapter 13: Doubts

3 0 0
                                    

Chapter 13: Doubts

"Believe me, Sir I really saw it. Hindi si Gables ang nagsagot ng papel niya. It's Diaz. The dash 2 president!"

Hindi ko alam kung matatawa o maiinis ako sa narinig ko. So, nakita niya palang sinagutan ni Gab ang papel ko at balak niya pang magsumbong?

Pumasok ako sa loob. Mukhang hindi nila ako napansin lalo pa't busy si Kiara na mag-explain sa teacher namin sa Stats na nakatingin lang sa kanya na parang siyang alien sa paningin nito.

"Calm down, Madigan," kalmadong sabi ng teacher namin.

"Trust me, Sir. Inutusan ni Gables na sagutan ni Diaz 'yung papel niya."

Bahagyang napataas ang kilay ko. Kailan ko naman inutusan si Gab na gawin iyon?

"Hindi sa hindi kita pinapaniwalaan. But what you're saying is unbelievable. You see, Gables is one of our smartest students. Paano niya makukuhang mang-utos ng iba para gawin ang assignment niya?"

"Sir---"

"Good afternoon po."

Napatingin naman silang dalawa sa direksyon ko nang magsalita ako. Ang sama ng tingin sa akin ni Kiara samantalang nginitian ako ng teacher namin.

"Hi, Gables. What brings you here?"

"Sir, I have something to confess," sabi ko agad nang makalapit sa kanila.

Tiningnan ko si Kiara. She's glaring but she didn't say any word.

"What is it?"

I took a deep breath.

Alam ko namang darating ang time na ito at kailangan ko rin umamin sa ginawa ko. Pero kung kanina, kinakabahan ako, ngayon hindi na.

"Hindi po ako 'yung nagsagot sa activity ko. Tinulungan po ako ni Diaz---" I paused. "No, she did all the work."

"See? I told you, Sir."

Napayuko ako. Mataas ang tingin sa akin ng mga teachers lalo pa't nasa section one ako. Lalo pa't maganda rin ang impression sa akin ng mga teachers ko. Kaya hindi na ako magtataka kung sasabihin niyang disappointed siya sa akin.

We, section one students, are scared if we disappointed our teachers. Lahat naman ng estudyante natatakot kapag may nadi-disappoint sa kanila, hindi ba? Mas doble nga lang ang takot sa amin dahil kami ang star section.

"And why did you do such thing?"

"Nakita niya po akong nahihirapan sa pagsasagot ng activity that's why she volunteered to answer it."

"Why?"

"She's concerned. Hindi pa rin po kasi ako kumakain noong time na 'yon. She said if I'm aiming for good grades, I should take care of my health first."

Tiningnan ako ni Sir na parang hindi siya convinced sa sinabi ko. Sabagay, hindi ko naman siya masisisi. Sino ba naman kasing maniniwala sa sinabi ko? Pero wala naman akong magagawa dahil iyon talaga ang totoo.

"I suggested na turuan niya na lang po ako imbis na sagutan niya 'yung activity ko. Pero wala na po akong nagawa kasi sinagutan na 'yon ni Diaz," dagdag ko pa.

"Liar," Kiara whispered.

"I'm telling the truth, Sir."

Tiningnan niya ako. Sa klase ng tingin na iyon, para niya akong kinikilatis. Tiningnan ko rin naman siya nang diretso sa mata para sabihin ko na nagsasabi ako ng totoo.

Maya-maya, nagsalita si Sir.

"Thank you for telling me."

Lihim akong napangiti at tumango. Narinig ko namang nag-'tss' si Kiara saka lumabas ng silid.

As We MeetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon