Chapter 12: Reminiscence

3 0 0
                                    

Chapter 12:
Little Memories

Little colorful rubber bands that are made into bracelets... or loombands.

Bahagya akong natawa nang makita ko iyon kahit na kanina ko pa iyon nahanap sa isa sa mga drawers ko.

Akalain mo, may naitago pa pala akong ganito? Akala ko kasi natapon ko na kasama ng mga diaries ko na tinapon ko na rin sa kadahilang ang cringeworthy kapag binabasa ko ang entries ko roon. For sure, wala na rin gumagawa o gumagamit nito dahil mas gusto na ng mga tao ngayon ang silver at golden bracelets..

However, I prefer handmade bracelets kaysa sa mga nabibili lang. Mas maganda kung pinag-e-effort-an. Kaibigan mo ang pagbibigyan mo, e.

And they also play a significant role in your life.

"Here."

Ibinigay ko kay Elaine ang katatapos kong gawing bracelet na gawa sa loom bands.

"Loombands?" natatawa niyang sabi. "Ang tagal na nito, ah!"

I frowned. "Akin na nga."

"Wala naman akong sinabing hindi ko gusto." Mabilis niyang naagaw ang bracelet at saka sinuot. "Wow. 'Uy, eksakto lang."

Tinaas-taas pa niya ang kanyang pulso at inalog-alog iyon.

"Sorry, ang pangit. Hindi ko pa kasi gamay kung paano gamitin 'yung pang-gantsilyo."

"Pangit daw. Hindi, 'no! Thank you nga pala. Susuotin ko 'to palagi kasi galing sa'yo."

Napangiti ako. At least, may napuntahan rin 'yung pinagpuyatan ko kagabi.

"What's that?" tanong ni Kiara na kapapasok lang ng classroom.

Inalog-alog ni Elaine ang pulso niya. "Ginawa ni Annelysse. Ang ganda, 'no? Pinagsama niya pa 'yung favorite colors ko."

"Ay, ito nga pala 'yung sa'yo." Ibinigay ko naman kay Kiara ang bracelet niya.

Sinuot naman niya iyon. "Oh, my. It's so pretty."

"See? Sabi ko sa'yo, eh," ani Elaine at kinindatan ako.

Napangiti na lang ako. Wala na talagang mas sasaya pa kapag napasaya mo 'yung kaibigan mo through giving them such things.

"Thank you so much, An-An!"

My smile immediately faded. "Kiara!"

"Oops. You hate nicknames nga pala." She made a peace sign.

"Huwag niyong tatanggalin 'yan, ah?" nahihiyang sabi ko. Pinaghirapan ko rin kaya iyon.

"Of course. Why would I take off such pretty thing?" sabi ni Kiara at manghang-mangha pa rin sa bracelet niya.

"Agree. I-consider natin 'tong symbol ng friendship natin."

Napabuntong-hininga ako.

May mga alaala talagang masarap na lang alalahanin pero ayaw mo nang balikan.

"Anne!"

Walang gana akong tumingin sa bintana sa labas ng classroom. Nakita kong nakasilip si Gab na nakangiti at kumakaway sa akin.

Malaya siyang nakapasok sa loob dahil break time ngayon at nasa cafeteria lahat ng kaklase ko.

"Wala kang balak kumain?" tanong niya at umupo sa armchair sa harap ko.

As We MeetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon