Chapter 17:
The Confirmation
"Masakit pa?" tanong sa akin ni Elaine habang dinadampi ang ice bag sa braso ko.Kasalukuyan kaming nakaupo sa tapat ng convenience store. Nakasalubong ko siya kanina pagkalabas ko pa lang ng school at napansin niyang nagkaroon ako ng pasa kaya pumunta kami rito.
Dahan-dahan kong ini-stretch ang braso ko. Sa totoo lang, hindi ko napansin ang pagkirot nito simula noong lumabas ako ng school. "Medyo masakit pa rin pero ayos lang."
"Ano ba kasing nangyari?"
Bumuntong-hininga muna ako. "Wala. Napag-trip-an lang sa cafeteria."
"Huh? Sabi mo hindi ka naman masyadong pinapansin sa school niyo? Saka nasaan 'yung mga kaibigan mo, hindi mo kasama?"
Mahina akong tumawa. "Meron ba 'ko noon?"
"Sina Gab, Casey, Trix, at Fix. Tsaka 'yung isa pang cute guy na hindi mo schoolmate. Kaibigan mo 'yun, 'di ba?"
"Kaibigan nga ba?"
Biglang napalitan ng pag-aalala ang ekspresyon niya. "May nangyari ba?"
Bumuntong-hininga ako at tinitigan lang siya.
"Hindi naman kita pinipilit mag-open up, Annelysse," aniya na parang nabasa ang isip ko.
Well... pwede naman siguro akong magsabi sa kahit kanino. Kahit ngayon lang.
Huminga muna ako nang malalim saka ikinuwento ko sa kanya lahat. Mula sa hindi pagpansin nila sa akin hanggang sa kinompronta ko ang dalawa kanina. Pigil na pigil kong umiyak dahil naaalala ko ang mga itsura at boses ng schoolmates ko hanggang sa pagso-sorry ni Gab.
Ni hindi man lang niya ako binigyan ng paliwanag. Hindi man lang niya d-in-eny na wala silang agreement ni Kiara. Na mali ang narinig at nakita ko.
"Déjà vu," usal ni Elaine pagkatapos ko magkwento.
I shrugged. "Siguro. O baka malas lang talaga ako sa pagpili ng kaibigan."
"S-Sorry," mahinang pagkakasabi niya.
"Sawa na 'ko makarinig ng sorry. Undo button in real life ang kailangan ko ngayon o kaya naman time machine," ani ko saka mahinang tumawa.
"Sa totoo lang, hindi mo deserve na maloko. Mabait ka. Caring sa mga tao sa paligid mo. Kaya paano ka nila makukuhang lokohin?"
To think na sa kanya nanggaling talaga 'yon?
"Elaine?" I asked after a long silence.
"Hmm?"
"Diba sabi mo dati, nainggit ka sa'kin kaya nagawa niyo 'kong siraan? Sa tingin mo, ano kayang dahilan nila? Hindi naman pwedeng inggit dahil hindi naman ako sikat."
"Pwede rin naman sigurong inggit."
"Pero wala akong mahanap na dahilan para kainggitan niya."
Hindi siya sumagot. Ilang segundo ang lumipas bago siya nakapagsalita.
"So, ano'ng plano mo?"
"Kagaya pa rin ng dati. Hindi rin naman ako magtatagal sa school kasi lilipat na rin kami ng bahay."
"Saan?"
"Ewan ko. Pero gusto ko sana sa malayo. 'Yung wala nang kahit anong memory na makakapag-alala pa sa akin ng mga pinagdaanan ko dati ngayon."
"Kung final na talaga 'yan... ingat ka, Annelysse."
"Ikaw rin. Anyway, thank you sa pakikinig."
Nginitian niya ako. Ang klase ng ngiti na parati kong nakikita noon.
BINABASA MO ANG
As We Meet
Teen FictionSix different individuals who have different ideas about friendship. "Friends are just burden. What's the purpose of having such friends if you can rely on yourself?" "Socializing isn't my thing. People come to me first. The grain itself comes near...