Chapter 16:
RuinedKaya pala.
Kaya pala ganoon na lang ang tingin sa akin ng mga schoolmates ko habang papasok ako ng school.
Nanginginig ang mga kamay ko habang hawak ang phone ko. Ramdam ko rin nag-iinit ang sulok ng mga mata ko dahil sa pangingilid ng mga luha ko. Malakas din ang kabog ng dibdib ko dahil sa galit.
Binasa ko ulit ang post.
Mula sa unang letra nito hanggang sa pinakahuling exclamation point.
"To: Annelysse Gables
Secret mo ba 'yung pangongopya kaya ka naging honor student? At talagang kumapit ka pa sa president natin para gawin yung assignment mo, huh? Sana all. Hahahaha!"
It was posted thirty minutes ago.
Hindi iyon totoo. Alam ko iyon pati ni Gab. Nilinaw ko na rin iyon sa teacher ko.
I scrolled down at binasa ko pa ang mga comments ng mga schoolmates ko.
"What?! Nangongopya lang siya?!"
"So all this time nagiging with high honor siya because of that way? Ang cheaaaap!"
"Ilang students din kaya ang pinapagawa niya ng assignment niya?"
"Akala ko pa naman matalino siya."
Gusto kong hanapin at saktan sila isa-isa.
Bakit ba ang dali para sa kanila ang manghusga? Bakit ba parang kung magsalita sila, alam nila na totoo ang binibintang nila sa akin? Bakit ba ang bilis nilang magpaniwala sa mga tsismis na nalalaman nila kung saan-saan?
At kung may isang taong dapat kong pagbuhusan ng galit dito, siya iyon.
Dali-dali akong umakyat papunta sa classroom ko. Ramdam ko ang mga tingin sa akin ng mga schoolmates ko sa hallway pa lang. Pinagbubulungan din nila ako.
Habang naglalakad ako, may nag-fa-flashback na memorya sa isip ko pero sinusubukan kong huwag nang pagtuunan ng pansin iyon.
Minsan na akong nasira noon, kailangan ko nang maging matapang ngayon.
Hinanap kaagad ng mata ko si Kiara pagkapasok ko ng classroom. Lalapitan ko na sana siya nang salubungin ako ng isa kong babaeng kaklase at itinulak.
"Alam mo ba kung anong ginawa mo, Gables?" sigaw niya.
Sasagot na sana ako nang bigla namang lumapit at sinigaw-sigawan ako ng iba ko pang kaklase.
"You're dragging our section down! Section one tayo, nakakalimutan mo na ba?"
"Hindi lang ikaw ang involved sa issue. Kami rin!"
"Ano na lang sasabihin sa atin ng teachers at iba pang estudyante? Na kaya tayo napunta dito dahil sa pangongopya?"
Nag-init ang ulo ko dahil sa mga sinasabi nila. Talagang mas concerned pa sila sa image ng pagiging section one kaysa tanungin ako kung totoo ba ang kumakalat na issue?
Isa-isa ko silang tiningnan nang masama. Napatingin din ako sa iba ko pang mga kaklase at galit na galit silang nakatingin sa akin.
One whole section versus me. Great.
Ramdam ko talagang may kakampi ako.
"Looks like you created a big mess, Annelysse."
Lumapit sa amin si Kiara. Nakakrus ang mga braso nito habang masama ang tingin sa akin.
BINABASA MO ANG
As We Meet
Teen FictionSix different individuals who have different ideas about friendship. "Friends are just burden. What's the purpose of having such friends if you can rely on yourself?" "Socializing isn't my thing. People come to me first. The grain itself comes near...