Chapter 6: Ghost
Kanina pa ako palakad-lakad rito sa ground floor ng mall pero wala akong makitang babaeng naka-ponytail at may cute na bangs. Yes, you read it right. Ganyang description talaga ang binigay sa akin ni Casey sa chat para daw mabilis ko siyang mahanap. Hindi rin naman niya sinabi kung saan kami magkikita. Hindi rin naman siya nagre-reply sa mga texts ko.
Wala rin akong contact number nila maliban kay Casey kaya sino ang tatawagan ko?
Nagpatuloy ako sa paglalakad. Nakuha ng atensyon ko ang isang book store dahil may karatulang 20% off na nakapaskil sa labas. Medyo matao rin sa loob dahil sa discounted price ng mga libro.
It won't hurt kung magtitingin-tingin muna ako, hindi ba?
Tiningnan ko uli ang paligid kung may signs ba ni Casey bago ako pumasok sa loob. Agad akong nilapitan ang unang bookshelf kung saan may copy ng The Love Hypothesis by Ali Hazelwood. I've already read its soft copy kaya naman gusto kong magkaroon ng physical book. I like the story a lot.
"Ngayon namang nahanap kita, bakit kailangang maging ganyan pa 'yong presyo mo?" bulong ko habang nakatingin sa sticker tag sa likod.
Kinuha ko iyon saka itinago sa pinaka-ilalim na shelf-sa likod ng mga almanacs at encyclopedias. Ganito ang ginagawa ko sa mga librong gusto kong bilhin pero wala pa akong pera: tinatago sa mga librong hindi gaanong pinapansin.
Babalikan kita, okay? Sana wala munang makahanap sa'yo.
Tumayo ako saka naghanap pa ng mga libro. Hinanap ko talaga ang mga nasa sulok dahil doon minsan nakikita ang mga English novels.
"Mauna ka na. Bibili pa ako ng art mats."
Natigilan ako.
"Marami ka pang materials, ah?"
"Gusto ko pang bumili nang marami."
Dahan-dahan akong umatras para hanapin ang pinanggalingan ng pamilyar na boses na iyon. Nasa malapit lang siya. Hindi ako pwedeng magkamali.
"Found you."
Napalingon ako nang bigla na lang sumulpot sa gilid ko ang nakangiting si Bryle. Muntik pa kaming magkabanggaan kung hindi ako huminto agad.
Note: he's smiling. Naiilang pa nga ako sa kanya dahil ang sungit-sungit niya noon tapos ngayon, kung ngumiti sa akin, parang matagal na kaming magkakilala. Kung sabagay, mas mabuting makita ko siyang ganoon kaysa naman na nakasimangot siya parati.
"Para kang nakakita ng multo," he remarked. Napalitan ng confused expression ang ngiti niya.
Nilingon ko ang likod ng shelf na pinaghihinalaan ko. Wala ng tao roon. "Hindi naman nag-eexist ang mga multo."
"Figuratively. You really know how to ruin a moment, do you?" Ayan. Napalitan na ng kasungitan at pagka-stoic ang expression niya. That's the Bryle that I know. "Let's go. They're waiting for you."
"One minute," sabi ko.
Agad akong nagtungo sa likod ng bookshelf kung saan narinig ko ang nag-usap kanina. Tiningnan ko rin ang art materials section pero wala siya roon sa mga hinahanap ko.
Kapareho lang ba niya ng boses?
"May bibilhin ka ba?" tanong ni Bryle na nakasunod sa akin.
Mabilis akong umiling.
Nasaan ba kasi siya? Sigurado akong boses niya ang narinig ko.
Nagpalinga-linga pa ako sa paligid kung makikita ko talaga siya pero bigo ako. Mahirap pang hanapin dahil parami nang parami ang pumapasok sa loob.
BINABASA MO ANG
As We Meet
Teen FictionSix different individuals who have different ideas about friendship. "Friends are just burden. What's the purpose of having such friends if you can rely on yourself?" "Socializing isn't my thing. People come to me first. The grain itself comes near...