Chapter 14: Rendezvous

6 0 0
                                    

Chapter 14: Rendezvous

Ganito na lang ba ang mangyayari sa akin tuwing Linggo?

Napabuntong-hininga ako nang makita ko ang sarili ko sa salamin.

Puffy eyes, dark circles, messy hair. When I say messy, it's a total mess. Hindi ang klase ng messy na puwedeng isabak sa photoshoot.

Last night, wala akong ginawa kundi umiyak nang umiyak. Hindi nga rin yata sapat ang tulog na nakuha ko kagabi. Iniyak ko na rin lahat kagabi para hindi ako magmumukhang killjoy mamaya.

Pero kasi naman, sino namang hindi iiyak kung sinampal ka ng Dad mo?

Napapikit ako at nararamdaman kong nangingilid na naman ang luha ko. Naalala ko ang nangyari kagabi. Ramdam ko pa ang palad ni Papa na dumapo sa pisngi ko noong gabing iyon.

Sa totoo lang, hindi ako umiyak dahil sinabi nilang magpapakasal na siya.

Magpakasal siya? Fine. Wala rin namang problema dahil wala na rin si Mama. Pero piliin naman niya sana ang pakakasalan niya, hindi ba? Doon sa babaeng kilala na niya talaga.

Dinala niya na nga si Yvonne sa bahay pagkamatay ni Mama tapos ngayong isang taon na ang relasyon nila, kasal na agad?

Ni hindi ko nga man lang nakilatis ang babaeng iyon. No. Hindi ko na pala siya kailangang kilalanin dahil simula't sapul, hindi ko talaga siya magugustuhan.

Gaano na ba kakilala ni Papa si Yvonne? One year? Sapat na ba iyon para makilala mo ang isang tao?

Eh ang kaibigan ko nga since grade seven, nagawa pang sirain ang social life ko.

Isa pa, umiyak ako dahil sinampal ako ni Papa. Hindi ko kasi inaasahang magagawa niya iyon sa akin. Oo, kasalanan ko rin naman dahil kinuwestiyon ko sila nang pabalang.

Pero hindi ko talaga ine-expect ang sampal niya sa akin. Ang sakit lang isipin na ang lalaking kauna-unahang minahal at tinuring akong prinsesa, siya rin pala ang unang lalaking mananakit sa akin.

Ganoon niya nga siguro kamahal ang girlfriend niya. Kaya niyang kalimutan ang tunay niyang pamilya para lang dito.

Huminga ako nang malalim saka pilit na ngumiti sa salamin.

Tama na nga. May pupuntahan pa ako. Ayokong magmukhang malungkot. Okay na ang isang buong gabing iyak tapos bangon na sa susunod na araw.

Mabilisan akong naligo at nagbihis ng simpleng damit. Graphic tee and miniskirt. Binilisan ko talaga para mas marami akong oras na mag-ayos.

I put a simple makeup on my face. Mas nag-focus naman ako sa paglalagay ng eye makeup dahil sobra talaga sa pamamaga ang mata ko. Nang matapos, napangiti ako sa itsura ko.

Mabuti na lang talaga at naimbento ang make-up lalo na ang concealer.

Wala naman akong nadatnang tao pagkababa ko sa bahay. May iniwan lang na pera sa ibabaw ng refrigerator at sticky note na nagsasabing pumunta sila ng church. Ako na raw bahalang kumain sa labas.

Medyo natawa ako sa part na pumunta sila ng church. Nice, mabuti naman at nakakapagsimba pa rin sila?

Ibinalik ko sa pagkakadikit ang note at uminom ng tubig. Kinuha ko na lang ang pera at agad na lumabas ng bahay. Hindi na rin ako nag-abala pang mag-almusal dahil magpi-picnic naman kami.

To my surprise, nasa labas ng gate si Elaine.

"Hi, Annelysse! Good morning," masiglang sabi niya.

"Kanina ka pa d'yan?"

As We MeetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon