Chapter 18:
HerThree days passed by like a blur. I tried my best to ignore my schoolmates na walang ibang ginawa kundi pagchismisan ako kapag dadaan ako sa harap nila. Hindi na rin ako gaanong nakikipag-usap pa sa ibang estudyante para iwas-issue na rin.
Bumalik ako sa dati kong ginagawa: magbabasa, magsusulat, makikinig ng music at magba-browse sa social media. Typical introvert things. Although kinailangan ko pang gumawa ng panibagong accounts para "makapagtago". Wala na rin akong planong i-reactivate pa ang mga accounts ko dahil siguradong bubulabugin na naman iyon.
After all, next week na rin ako makakaalis nang tuluyan sa school kaya matatapos na rin lahat ng ito. Finally, hindi ko na rin sila makikita. I can start a new life without those people.
Sana lang pagkatapos nito, puwede na akong mabuhay nang mapayapa.
Kagaya ngayon. Kasalukuyan akong nagsusulat ng blog post. Itong blog site ko na lang ang hindi ko d-in-eactivate dahil ito ang pinakamahalaga sa akin. Isang tao lang naman ang nakakaalam ng site ko: si Bryle. May option naman akong i-hide ito publicly para kahit dito, walang makakahanap sa akin.
"Mocha frappe for Miss Anne."
Napatigil ako sa pagta-type sa laptop nang ilapag ng barista ang drink sa harap ko. Nakita ko pang umusok iyon dahil sa lamig.
"Sorry pero hindi ako nag-order ng kahit ano."
Nginitian naman niya ako. "On the house."
I creased my forehead. Agad naman niyang tinuro 'yung isa pang barista sa counter. Nginitian ako ni Fix tsaka naglakad siya papalapit sa amin.
"Max, doon ka muna sa counter," sabi ni Fix saka tinapik ito sa balikat.
Tumalima naman ito at naupo naman si Fix sa katapat na upuan ko. Inusog ko sa kanya ang mocha frappe.
"Hindi ko matatanggap 'yan," sabi ko. Ibinalik ko ang atensyon ko sa pagta-type sa laptop.
"Bakit?"
"Basta."
"Isipin mo na lang na late birthday gift ko 'to para sa'yo."
Late birthday gift?
Pasimple akong sumilip sa date sa laptop saka ako natigilan. Birthday ko ba talaga kahapon? Hindi ko na rin yata naalala dahil sa dami ng nangyari. At ano namang espesyal kung birthday ko?
"Nakalimutan mo 'yung birthday mo."
It's not a question but a statement. Mayroon ding hint ng ngiti sa mukha ni Fix na para bang siguradong-sigurado siya sa sinabi niya.
"Still, hindi ko matatanggap 'yan."
Inusog niya ang drink sa gilid ko. "Take it, Anne. Hindi na natuloy 'yung surprise birthday party namin kaya sa ganyang bagay na lang ako makakapagbigay ng regalo. Kung gusto mo, bibigyan kita ng unlimited drinks and pastries dito sa coffee shop ngayong araw."
Huminga ako nang malalim. "Thanks, but no," malamig kong tugon.
"Okay, itong mocha frappe na lang ang kunin mo."
Hindi ako nagsalita at nagpatuloy lang sa pagta-type. Kung tatanggi ako nang tatanggi, ipipilit naman niyang tanggapin ko iyon. So, wala akong choice.
Napatigil ako sa pagtatype saka napatitig sa word count ng blog post ko. Bakit ba kasi kailangang 8,000 words ito? Gusto ko nang umalis pero wala pa ako sa kalahati.
"So, kumusta ka na, Anne? You know, hindi tayo nagkausap nitong mga nakaraang linggo."
"Correction, hindi niyo ako kinausap nitong mga nakaraang linggo."
BINABASA MO ANG
As We Meet
Teen FictionSix different individuals who have different ideas about friendship. "Friends are just burden. What's the purpose of having such friends if you can rely on yourself?" "Socializing isn't my thing. People come to me first. The grain itself comes near...