Chapter 19: Nice Guy

2 0 0
                                    

Chapter 19:
The Nice Guy


"Mocha frappe for table number two," masigla kong sabi habang inilapag ang mocha frappe sa table ng isang customer.

Nagtataka naman akong tiningnan ng babaeng customer. "That's not mine. Tall frappuccino ang in-order ko."

"Oh. Sorry, Miss." Nagmamadali kong ibinalik ang frappe sa tray at bumalik sa counter. Nakita ko kaagad ang isang tray na may nakasulat na number 2 sa gilid at dinala ko roon. "Here."

Tumango lang ito at bumalik naman ako sa counter. Tinapik naman ako ni Max, isa pang barista sa coffee shop ko.

"Ikaw na lang muna bahala mag-mix ng drinks, Sir. Ako na magbibigay."

"Sure," maiksing tugon ko.

Napabuntong-hininga na lang ako saka pumasok sa loob. Masyado akong preoccupied mula kanina pa. Ilang beses na rin akong nagkakamali ng pagbibigay ng orders.

Natawa ako nang makita ko sa gilid ang mocha frappe na dinala ko sa table ng babae kanina.

There, an image of a young woman immediately flashed inside my head. Her voice, face... everything.

"I'm really surprised you're still a nice guy after what I did."

No... I'm not really a nice guy. I'm just trying to be one.

Two years ago...

Relax, Fix. Relax.

Napakamot ako sa ulo saka nafu-frustrate na tinago ang phone sa bulsa ko. Ilang minuto na akong nagsasalamin sa camera, inaalam kung mukha ba akong sincere kapag nakita ako ni Jane, girlfriend ko. Kaya lang mukha pa rin talaga akong gago.

It was already 6 PM. Itinuon ko ang atensyon ko sa harap kung saan kita ang paglubog ng araw mula sa kinauupuan ko habang hawak sa kaliwang kamay ang isang red rose. Nakipag-agawan pa ako sa isang customer para lang dito.

Anniversary namin ngayon ni Jane at dito dapat kaming magkikita. In a simple place like this, kung saan kita ang sunset at city lights habang hinahangin ang buhok mo. I'm glad because I found someone who's a minimalist like me.

However, I wasn't a good boyfriend to her. These past few months for us were intense. Since we're both students na nag-aaral sa magkaibang school, we rarely see each other at napupunta pa sa away ang pag-uusapan namin. That's why here I am, sinusubukang bumawi sa kanya.

I just hope this will be enough.

Chineck ko ang Messenger kung nag-reply na ba siya sa tanong ko kung puwede ba kaming magkita. One hour ago na rin ang nakalilipas pero wala pa rin. Hindi rin marked as delivered 'yong message ko.

She's probably busy. Well, I can't blame her. For someone who's in college, marami talagang kailangang gawin. Pareho kami ng sitwasyon pero hindi naiintindihan ni Jane ang bagay na iyon.

As We MeetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon