Chapter 21: When We Met

5 0 0
                                    

Chapter 21:
When We Met

6 months later...

"Annelysse, sure ka bang kaya mong mag-isa?" tanong sa akin ng pinsan kong si Ate Allison. Limang taon ang agwat naming dalawa. Papalabas kami ng bahay habang may naghihintay na taxi sa tapat nila.

Ngumiti ako. "18 na 'ko, Ate. Syempre, kayang-kaya ko na."

"Sige. Nga pala." May binigay siya sa aking lunchbox. "Baked cookies. Pinapabaon sa'yo ni Mama."

I can't help but smile. "Talagang nag-abala pa si Tita, ah?"

"Syempre, favorite ka no'n," natatawang sabi niya. "O siya, umalis ka na. Nagpa-book na ako ng taxi papunta sa village niyo."

Eksakto namang dumating sa tapat namin ang isang taxi. Lumingon ako roon at saka ibinalik ang tingin ko sa kanya.

"May problema ba?" nakangiting tanong niya sa akin.

Sa halip na sumagot, niyakap ko siya. "Ate, thank you sa inyo."

Nagsimulang mangilid ang mga luha ko habang hinahaplos naman ni Ate 'yung buhok ko.

"'Oy, walang iyakan!" tumatawa niyang sabi. "Good luck sa'yo. Basta dadalaw ka sa amin, ah?"

"Naman!" sabi ko at niyakap ko ulit nang mahigpit si Ate saka sumakay sa loob ng taxi. Kumaway kami sa isa't isa hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.

Mami-miss ko talaga sila.

Nang mawala na sa paningin ko si Ate Allison, lumingon ako sa driver. "Kuya, doon po muna sa Sage Cemetery."

"Hindi po sa Rosemary Village, Ma'am?"

"Opo. May... kailangan lang akong dalawin."

Tumango naman siya. Sumandal ako sa upuan saka isinalpak ang earphones ko. A familiar rock song started to blast on my ears. Honestly, hindi ko type ang ganitong genre but since the music slaps, I decided to add this on my playlist. I took a screenshot of what I'm listening and put it in my second Instagram account's story with a caption, "going home".

Tumingin ako sa labas ng bintana. Walang masyadong traffic kaya siguradong makakauwi agad ako.

Sa bahay na pagmamay-ari ko mismo.

Ang bilis ng panahon. Sa nakalipas na anim na buwan, marami nang nangyari. Isa na roon ay ang opisyal na pagsasama nina Papa at Yvonne.

When he announced it, akala ko malulungkot o magagalit ako kagaya noong sinabi niyang magpapakasal na sila. Pero alam mo ang pakiramdam na nabunutan ka ng tinik sa dibdib? Na parang gumaan ang dinadala mo? I'm finally relieved because I finally cut off a toxic person in my life.

I'm not mad at him. Disappointed is the right word. However, kung ano man ang pinili niya, sana maging masaya na lang siya. Huwag na lang sana siyang mag-expect na susuportahan ko silang dalawa.

Hindi na rin natuloy ang paglipat namin pero nagdesisyon ako na pumunta sa relatives ko sa mother side. Akala ko hindi nila ako tatanggapin since ang tagal ko nang hindi bumisita sa kanila. Six years old lang ako noong huli akong bumisita roon, kasama ko pa si Mama.

Pero hindi, naka-close ko pa nga ang mga pinsan ko sa anim na buwan. Karamihan din sa mga pinsan ko, may mga anak na rin pero hindi mahahalatang pinalaking spoiled ng magulang. Isa pa, tumulong-tulong din ako sa bakeshop ng isa kong Tita, ang mommy ni Ate Allison, para nakakabawi naman ako.

Nitong nakaraang linggo, personal akong pinuntahan ng abogado ni Mama para sabihing ako na ang nagmamay-ari ng dati naming bahay. Sabi niya, nakasulat sa last will ni Mama na lahat ng rights ng bahay at ari-arian niya, mapupunta sa akin kapag nasa legal age na 'ko.

As We MeetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon