Chapter 20: Farewell

3 0 0
                                    

Chapter 20:
Farewell

Chapter 20:Farewell

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Hi, Annelysse."

Tila napako ako sa kinatatayuan ko. Hindi ako makapaniwala.

Nasa harap ko si Elaine. Katabi niya si Kiara at pareho silang nakangisi.

Parang may karayom na tumusok sa puso ko nang makita ko silang dalawa. Muling nag-flashback sa isip ko ang lahat.

Nakaramdam ako ng galit. Gusto kong kunin ang malaking cactus sa gilid at itusok sa mata't lalamunan nila.

Pero ang nakapagtataka... nakasuot si Elaine ng uniform ng Feuillemort. Mayroon din siyang nameplate sa kaliwang dibdib.

"Elaine..." Itinuro ko siya gamit ang nanginginig kong kamay. "Dito ka rin nag-aaral?"

"Obvious ba?" proud niya pang sagot.

"So, all this time, nagsinungaling ka sa'kin na bumalik ka sa probinsiya niyo kahit na dito ka rin pala nag-aaral?" tanong ko uli.

"Bingo!" Ipinitik ni Kiara ang mga daliri niya. "Finally, you figured it out! Congratulations!"

I clenched my fists. Sinamaan ko ng tingin si Kiara na nginitian lang ako.

Magkakakampi pala sila.

Well, of course, they are! Sino pa ba'ng magkakampihan?

"Unexpected, 'di ba? Well, kasalanan mo rin naman. Masyado ka kasing nagtatago sa lungga mo kaya hindi mo napansin 'yung mga taong nasa paligid mo," dagdag ni Elaine. "Masyado ka ring nagpapadala sa pinapakitang kabaitan ng iba kaya ayan, ang dali mong mauto."

Sasampalin ko na sana si Elaine nang mabilis na nahawakan ni Kiara ang braso ko. Sinubukan kong bawiin iyon pero mahigpit ang pagkakahawak niya.

"Ano ba?" I hissed.

"Tama ako, 'di ba? Masyado kang nagpapadala sa emosyon mo kaya ang bilis mong mauto," sabi pa ni Elaine.

I tried reaching for her but I failed. At least, sana makalmot ko siya. Pero dalawang braso ko na ang hawak ng nakangising si Kiara.

"You know what? Ang plastik mo, Elaine! May paiyak-iyak ka pa noon sa clinic para humingi ng tawad!"

"Naniwala ka naman?" Humagalpak siya ng tawa. "Well, mabuti nga 'yon. Napadali tuloy 'yung pagpapaikot ko sa'yo. Sa sobrang dali, nawala ako sa persons of interest mo noong kinulong ka sa comfort room."

Nanlaki ang mata ko. "I-Ikaw---"

"Yes, ako nga!" Tumawa siya. "Hindi mo na naman nahulaan? Estupida ka kasi!"

Sa oras na makawala ako rito, I'm going to hurt her. Hindi lang cactus ang itutusok ko sa mata niya!

"Tsaka hindi mo ba naisip? Sino pa bang makakaalam na claustrophobic ka, e kami-kami lang naman? Unless sinabi mo 'yon sa mga cheap mong kaibigan."

As We MeetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon