Chapter 15: Déjà Vü
"Inumin mo muna."Tinapunan ko lang ng tingin ang inilapag ni Elaine na water bottle sa kinauupuan ko. Ibinalik ko ang tingin ko sa mga damong nagkukulay kahel na dahil sa papalubog na araw.
"Paano mo nalaman?" diretsong tanong ko.
Eksaktong pagkasabi niya sa akin na may problema ako kanina, bigla akong napahagulgol ng iyak. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at para na lang akong batang umiyak sa harap ni Elaine.
Siguro hindi ko na napigilan? Siguro hindi ko na nakayanan na itago kaya nailabas ko lahat. Iyon nga lang, kay Eunice ko pa nailabas ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. However, I'm glad that she didn't do anything or say a word. Dinala niya pa ako sa playground kung saan palagi naming tinatambayan noon.
"Napansin ko," tipid na tugon niya.
"Paano?"
Nakapagtataka lang dahil sa mga kasama ko kanina, siya lang talaga ang nakapansin. Samantalang si Gab na tinuturing kong best friend, hindi naman niya nahalata na may mali sa akin.
Akala ko pa naman ang galing ko na magtago.
"Kilala kasi kita."
Napaisip ako. Natahimik.
Kaya ba hindi ako napansin ni Gab dahil hindi niya ako ganoon kakilala?
Wait, bakit ko ba sila pinagko-compare?
"So... tungkol saan 'yung pinag-awayan niyo ng tatay mo?"
Sasabihin ko ba sa kanya?
Sa kanya ba ako mag-o-open up?
Pero paano kung gamitin na naman niya laban sa'kin 'yon? Paano kung gawin niyang weakness 'yon?
Tumawa siya nang mahina.
"Okay lang kung ayaw mong sabihin sa'kin. Pero, Annelysse, pwede ka namang mag-open up sa mga kaibigan mo, e. 'Wag kang magpanggap na okay ka lang kahit hindi naman," sabi niya saka tumayo. "Mauuna na 'ko. See you na lang bukas."
Iyon lang at iniwan niya na ko kasama ng bottled water sa kinauupuan ko pero nag-echo sa utak ko 'yung huling sinabi niya.
"'Wag kang magpanggap na okay ka lang kahit hindi."
Pero paano mo nga ba talaga napansin na may problema ako samantalang 'yung iba, hindi?
Nagpaiwan muna ako saglit dito sa playground. Inayos ko muna ang sarili ko bago ako umuwi ng bahay at ipinagpapasalamat ko naman na hindi ako napansin nina Papa o Yvonne.
Kinabukasan, tila minalas ako dahil kasabay kong nag-aalmusal sina Papa at Yvonne. Nakaupo kami ngayon sa pabilog na mesa kung saan magkatabi sila at nasa harap nila ako.
"How's school, Annelysse?" kapagkuwa'y dinig kong tanong ni Papa.
Sinulyapan ko siya at hindi man lang niya ibinaba ang dyaryong binabasa niya.
"Okay lang po," sagot ko saka uminom ng kape.
Maraming nakahaing pagkain pero ipinagtimpla ko na lang ang sarili ko ng kape. Nakakawalang-gana lalo pa't si Yvonne daw ang nagluto ng lahat ng iyon.
"Hindi ba't sa Feuillemort ka nag-aaral?"
"Opo," sagot ko.
"Doon rin nag-aaral 'yung anak ni Grace, 'di ba?" tukoy niya pa sa kapit-bahay namin.
"Yup," sagot ko kahit hindi ko maalala kung sinong anak 'yung tinutukoy niya. I barely know anyone in my school, remember?
"Nakakauwi naman 'yung batang 'yon nang maaga galing sa school, pero bakit ginagabi ka?"
BINABASA MO ANG
As We Meet
Teen FictionSix different individuals who have different ideas about friendship. "Friends are just burden. What's the purpose of having such friends if you can rely on yourself?" "Socializing isn't my thing. People come to me first. The grain itself comes near...