Chapter 10: Friend or Foe?

3 0 0
                                    

Chapter 10: Friend or Foe?

“So, sinabi niya na kung bakit niya ginawa ‘yon?”

Hindi lumingon si Gab sa akin nang tanungin niya iyon. Nanatiling nakapako ang tingin niya sa laptop habang nagta-type dito sa coffee shop.

“Yes. Naabutan ko siya bago ako umuwi,” sagot ko.

“Ano’ng sunod? Dumating ba sa point na sinabi mong, ‘okay, I forgive you na. Huwag mo na lang uulitin’?” tanong naman ni Casey.

“Babe naman. Syempre, ‘di gano’n kadali ‘yon. Mahirap pa para kay Anne na magpatawad,” singit ni Trix. Naglalaro naman ito sa phone.

“Nagtatanong lang naman,” nakangusong sabi ni Casey.

Nahinto kami sa pag-uusap nang dumating si Fix habang dala-dala ang inumin namin.  Nagpasalamat kaming lahat nang kuhain iyon.

Pagkatapos na pagkatapos ng klase, dito kami dumiretso sa coffee shop. Dito ko kasi gustong sabihin kay Gab ang tungkol kay Elaine. Eksakto namang walang gagawin sina Casey at Trix kaya sumama na rin sila. Hindi ko nga lang kay Gab nasabi kundi sa kanilang dalawa na rin pati kay Fix. Kumpleto sana kaming lima rito kung nandito lang si Bryle.

“Mmmm! The best talaga gumawa ng kape ‘tong si Kuya Fix,” komento ni Casey.

“Ang sarap pala makipag-close sa barista, palaging may libreng kape,” biro ni Trix. Agad naman siyang napa-“aww” dahil siniko siya ni Casey.

“Libre? Kailangan niyo rin ‘yang bayaran pagka-graduate niyo ng senior high,” seryosong sabi ni Fix saka umupo sa tabi ko.

Natigilan naman ang dalawa sa pag-inom at gulat na gulat na napatingin dito.

“Joke lang!” sabi agad ni Fix at napahagalpak ng tawa.

“Pero seryoso, Kuya. The best talaga. Graduate ka ng HRM, right?” tanong pa ni Casey.

"Nope, third year na sana ako ngayon kung hindi lang ako nag-stop.”

“Bakit?” sabay naming tanong ni Casey.

“Kailangan kong palaguin ‘tong coffee shop. Hindi ko naman magagawa 'yon kung hindi ko 'to gagawing priority.”

“Nice, business manager ka na kahit ‘di ka graduate,” ani Trix.

Nabanggit nga pala sa akin noon ni Fix na pamilya niya ang may-ari ng coffee shop. Kaya siguro sa halip na mahati ang oras niya sa pag-aaral at pagtatrabaho, isinakripisyo niya ang pag-aaral niya.

“May balak ka pang mag-aral uli?” tanong ko.

He shrugged. “We’ll see.”

“Noong una, ayaw na ayaw niya rito sa coffee shop kaya hindi ko malaman kung bakit bigla na lang siyang pumayag,” umiiling na sabi ni Gab.

“Bigla ko kasing na-realize na mahal ko ang mga kape,” sabi ni Fix saka kumindat.

“Tss. Hindi ka nga coffee drinker.”

“Maraming nagbabago sa mundo, Gab.”

“Sus. Ang sabihin mo---”

Iwinasiwas ni Casey ang kamay. “Hep, hep, hep! Stop, okay? Kapag 'yan nauwi sa matinding lover's quarrel, ha.”

Iiling-iling na uminom si Gab sa kape niya samantalang ngumiti lang si Fix.

“Anyway, back to topic tayo. So, pinatawad mo na ba si Elaine?”

“Yeah, tama si Casey. Nagdesisyon ka na bang patawarin siya?” tanong naman ni Gab.

I sighed. “Parang gano’n na nga.”

As We MeetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon