Chapter 5: The Social Shifter

8 1 0
                                    

Chapter 5:
The Social Shifter

Chapter 5:The Social Shifter

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

“I won.”

Dalawang salita lang iyon mula kay Gab pero sapat na para mapuno ng “yes!” at tili ni Casey ang buong coffee shop. Mabuti na lang at kami-kami pa lang ang nandito sa shop.

Dito ako unang dumiretso sa shop bago pumasok. Pagkarating ko kanina, nakaupo na sa usual table ko (na ‘namin’ na ngayon) sina Casey at Gab. As usual, nasa bar counter si Fix kasama ang cashier ng shop.

“Seryoso, Gabby?” tanong ni Casey.

“Uh-huh,” nakangiting kumpirma ni Gab. “Sa susunod na rin ang oath-taking ceremony ko kasama ng iba pang officers.”

“Oh em gee! Friend ko ‘yong president ng Feuillemort High. Friend ko si Gabby!”

“Congrats, Gab!”

Nagulat kaming lahat nang dumating si Trix at ipinutok ang… party puffer?

“Nagdala ka talaga niyan?”  natatawang tanong ni Gab.

“He insisted,” sagot ni Bryle na kasama ni Trix.

“Alam ko kasing mananalo ka,” kumindat pa si Trix.

“Congratulations, President Diaz!”  pagbati ni Fix.

“Actually, hindi ko naman magagawa ‘to kung hindi dahil sa inyo,” sabi ni Gab. “Thank you. Utang ko sa inyong lahat ‘to. Maraming, maraming salamat talaga.”

“Wala ‘yon!" ani Casey. “Deserve mo naman, eh.”

“Right. It’s really yours, anyway. We just helped you reach it,” sabi naman ni Bryle.

“Bryle! Thank you rin. Although we’re not close and we’re not also schoolmates, still, you helped me. Salamat.”

“Anything for…” Tumingin muna si Bryle sa akin saka ibinalik ang tingin kay Gab. “For a friend. Anyway, we should celebrate Gab's presidency on weekend,” aya pa nito.

“Oh... hindi ako makakapunta,” sagot ko agad.

“Bakit?” magkasabay na tanong ni Casey at Gab.

“You should come with us, Anne. Deserve nating mag-celebrate,” sabi naman ni Gab.

“Yep. Minsan lang naman,” aya pa ni Trix.

I smiled shyly. “Part-timer ako sa fast food. May shift din ako bukas.”

Kita ko ang pagkagulat sa mga mukha nila.

“Really? Nice,” ani Fix na tinugunan ko ng ngiti.

“Bakit—I mean, I’m sorry ha, mukha ka namang hindi poor pero bakit nagwo-work ka?” usisa ni Casey.

“Gusto ko lang maging independent. Ayoko namang umasa sa pera na binibigay lang sa akin. Ibang klase kasi ang saya kapag nahahawakan 'yong pera na alam mong pinagpaguran mo. Mararamdaman mo rin 'yong tunay na halaga no'n. At manghihinayang ka kapag ginastos mo sa wala namang kakuwenta-kuwentang bagay.”

As We MeetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon