Chapter 9: Forgiveness

3 0 0
                                    

Chapter 9: Forgiveness

Nagising ako dahil sa mga ingay na naririnig ko sa labas. Napamulat din ako ng mga mata dahil sa liwanag na nagmumula sa kung saan. Mariin din akong napapikit nang galing iyon sa... fluorescent lamp?

Nasaan ako?

Pilit kong binuksan ang mata ko at iginala ang paningin sa lugar. Puti lahat. Napatingin ako sa pinto malapit sa akin at nakita ko ang signboard na may nakasulat na “clinic”.

Sinubukan kong bumangon ngunit napahiga ako ulit nang sumakit ang ulo ko. Napasapo ako roon.

Doon ko lang naalala ang nangyari kanina. May humablot sa akin kung sinuman at kinulong ako mag-isa sa comfort room. Nawalan ako ng malay at hindi ko na alam kung ano pa ang mga sunod na nangyari.

Napatingin ako sa gilid ng kamang hinihigaan ko at may babaeng nakatungo roon. 

Familiar...

Hindi ako puwedeng magkamali. She’s brown haired. Isa lang din ang kilala kong may ganoong klaseng kulay ng buhok.

“Gab?”

Nag-angat siya ng ulo at napatulala ako.

“Gising ka na pala.”

It’s Elaine.

“Kumusta? May masakit ba sa’yo?” sunod-sunod niyang tanong.

Hindi ko siya sinagot. Naguguluhan ako kung paano siya nakapasok dito. Sa pagkakaalam ko kasi, mahigpit na pinagbabawal sa Feuillemort ang outsiders.

Wala rin naman sa suot niya na nag-disguise siya para makapasok sa school. She’s wearing red long sleeves and pants. Hindi rin naman hinahayaang pumasok ng guard ang mga hindi nakasuot ng school uniform, unless may consent galing sa loob.

Wait, consent. Sino’ng nagpapasok sa kanya rito?

Hindi kaya si Kiara?

“S-Sinong---”

Napahawak ako sa leeg ko at napalunok. Tuyong-tuyo ang lalamunan ko na tila hindi ako nakainom ng tubig sa loob ng isang linggo.

Naging alerto naman si Elaine at inabutan ako ng isang basong tubig. Nilagok ko ang laman niyon at sinalinan niya pa nang maubos.

“Okay ka na ba?”

Mabilis kong iniwas ang braso ko nang tangkain niya akong hawakan at umupo ako sa kama.

“Annelysse...” bakas ang gulat at lungkot sa mga mata niya.

“A-Ano’ng ginagawa mo rito?”

“Sasagutin ko ‘yong tanong mo pero sabihin mo muna sa akin kung okay—”

“Sagutin mo muna ‘yong tanong ko,” malamig kong sabi.

She sighed. “Pumasok ako rito para puntahan si Kiara. Bago ako makapunta sa classroom nila, may narinig akong may ikinulong daw sa restroom at... naisip kita. Naalala ko kasing takot ka sa mga enclosed places dahil---”

“Ikaw ba ang nagdala sa’kin?”

Tumango siya.

“Makakaalis ka na.”

“S-Sige. Aalis na ako. Gusto ko kasi munang makasiguro na okay ka bago ako umalis.”

Tatalikod na sana siya nang magsalita ako.

“Salamat,” ani ko sa mababang boses.

Labag sa loob ko iyon pero kung hindi dahil sa kanya, malamang hindi na ako naka-survive sa loob ng restroom. Siguro, namatay na ako dahil sa kawalan ng hangin at liwanag doon. Kung hindi siya pinapunta ni Kiara sa school, malamang na-stuck na ako sa loob.

As We MeetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon