Simula

1.2K 28 0
                                    

Delicante Brothers: Ngayong Akin Ka
Simula

I rolled my eyes when I saw Zohan Delicante entered the party with a woman by his side.

She looks so flashy, as if she is some trophy wife now. As if she won everything in life because of the man she’s with.

Alongside the Del Ricos, they’re very much well-known in the business field. Kahit dalawang taon lang ang nakalipas, tanaw ko na sa malayo ang malaking pagbabago niya kaysa sa nakilala ko noon. Sa lalaking minahal ko noon.

Well, ganoon talaga ang buhay. The only constant thing is changes. Isa pa, unlike sa sinasabi sa akin ni Jessa na malaking panghihinayang ko na mawala si Zohan sa buhay ko, tinanggap ko ‘yon ng maluwag sa aking dibdib.

Bakit? Noong naging kami, noong mabuo ang kung ano mang atraksyon sa pagitan namin at pagmamahal ko sa kaniya, alam ko namang imposibleng siya na ang para sa akin.

Kauna-unahang lalaki ba naman na minahal ko at pinagbigyan ko ng matamis na “oo” ko noon ay siya ring babagsakan ko hanggang dulo?

I snorted at that thought. Imposible. Si Tatay at Mama nga na kinasal, isang taon lang ay hiwalay agad dahil sa kabit. Although magkaiba kami ng hiwalayan, hiwalayan pa rin ‘yon. It happened because the person is not really for you and you are just a phase in each other’s life.

Hindi ako bitter kahit makuha niya pa ang kung sinong poncio pilato o cleopatra sa kung saan. Tapos na kami. Hindi lang talaga mawala ang galit ko sa kaniya dahil pakiramdam ko, sa parteng hiwalayan namin, napakababa ko sa paningin niya.

I may be a woman who loves money but I learned that everything has limitations. Na hindi naman pala ako sugapa na darating sa puntong ipagpapalit ko ‘yong dignidad ko para sa ten million. Ten million lang ‘yon, e. Ang baba!

“Ang gwapo niya talaga, ‘no? Hindi ka nanghihinayang?”

Binalingan ko ang kababalik lang na si Jessa. I glared at her. Bakas kasi sa mukha nito na tinutudyo lang naman ako.

I pointed at my boyfriend just in the crowd of his peeps.

“Hindi ba gwapo ‘yan? Nakita mo naman, makalaglag panty din!” puri ko kay Fin na boyfriend ko sa loob ng six months.

Niligawan ako nito for almost ten months at sinagot ko na rin dahil pakiramdam ko, kilalang-kilala niya na ako at hindi ko na kailangan pang humanap ng lalaking pagdududahan ako sa lahat. Fin is not that kind of man. His family is also not the matapobre type. Mababait ang mga ito at mahal ako.

“Sus! Bakit? Nalaglag na ba ang panty mo sa kaniya?” ismid niya sa akin.

Sumimsim ako sa champagne ko at ngumuso. In that part, hindi pa naman. I mean… hindi ko pa ulit isinusuko ang brilyante ng bataan ko ‘di tulad ng ginawa ko noon kay Zohan. Medyo duda pa kasi ako na baka Zohan two-point-zero siya, ‘di ba? Mahirap na.

“Darating din kami roon. Need mo ba ng video para sa proof?” pagbubuska ko rito.

“No! Kung si Zohan sana-”

“-ay, hala sige. Lapitan mo, akitin mo at nang hindi na proof ang makuha mo kundi experience.”

Ngumisi siya sa akin at dinuro ang aking mukha.

Delicante Brothers: Ngayong Akin Ka (Zohan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon