Delicante Brothers: Ngayong Akin Ka
Kabanata 17
DistanceParang nanibago ako nang makapasok sa bar. Dati’y sanay naman ako roon dahil palaging doon nauuwi ang kliyente kasama ang ilang kaibigan matapos ang dinner.
Siguro dahil sa tagal na rin na hindi ako nakakasama at hindi tumatanggap ng kliyente, laging nasa bahay at kausap si Zohan, halos nakalimutan ko na ang pakiramdam kapag nasa bar.
“Na-miss mo, ‘no?” si Amari na mukhang kilalang-kilala na rin talaga ako.
Natatawa akong tumango.
“Nagpahinga lang naman ako,” rason ko kunwari.
Umismid siya at saka bumaling sa iba naming kasamahan na ngayon ay talaga namang pinupudpod na ang baga sa alak.
Kahit nasa table kami na kinuha ni Amari, malayo sa dance floor, kung maksayaw-sayaw naman ang mga kasamahan ko, parang ‘di makapaghintay.
“May isang customer naman kaya akong makikita rito?” anang Kolett.
“Gusto mo ba?”
Umirap siya at uminom muna ng alak bago sumagot.
“What I mean is, mayroon kayang makikita ko na dating kliyente? Minsan kasi mababait sila na kapag nakilala ka, ililibre ka ng drinks o kaya lahat ng bill natin kaniya na. Ayaw niyo ba ‘yon?”
Pumalakpak naman ang iba roon. Mukhang na-experience din nila. Totoo rin naman na may kliyenteng ganoon. Kaya lang karaniwan din, may kasamang iba kaya hindi minsan namamansin.
Some boys wouldn’t want their new partners to find out they rented a woman before. Kahit na hindi naman tulad noong mga prostitute, naka-level na rin kami para doon sa mga makakaalam.
For them, we are whores. Hoes. Just because we are getting paid for our service. Pero para sa akin, kung pagiging bayaran ang batayan ng pagiging isang puta, lahat ng tao ay ganoon din lahat naman ay nababayaran para sa kanilang serbisyo.Makikitid karamihan ang utak ng mayaman. Kaya nilang intidihin paano mapapaikot ang ilang malalaking kompanya pero ‘di nila kayang unawain na ‘di lahat ay gold digger, ‘di lahat ng mahirao ay gustong sipsipan sila. Na iyong iba, kumakayod lang ng sapat para mabuhay.
One thing I hated before, well I guess up until now if I happen to meet another person with such thinking, is that wealthy people often give respect to who they like. Hindi sa lahat ng karapat-dapat irespeto.
Kung mahirap ka, hindi ka irerespeto ng mga iyan. Para sa kanila, putik kang pwedeng hawaan sila ng dumi.
“Makakapag-asawa kaya ako ng mayaman?” nagde-daydream si Jessa nang itanong ‘yon.
Malamlam na ang mga mata nila pero wala yatang balak na pumunta sa dance floor dahil may mga kliyente bukas. Mahirap ang mapagod.
“Si Amari, baka pa. Tayo? Ibabahay lang siguro ng mauuto nating matandang pwede ng mamatay,” si Mylene at umiling.
“I’m not marrying Hammoc,” Amari answered.
She still sounded sober, though. Light drinks lang kasi ang pwede rito. Nahahalinhinan pa ng juice kaya imposibleng malasing ‘to.
“What do you mean? Kahit luhuran ka pa, ate?” si Kolett.
“Niluhuran na ako,” ngumisi siya. “Kinain pa. Binayo-” binatukan ko siya.
Masyadong madaldal siya. Wala pang karanasan si Kolett. Namula tuloy ito.
Ang kliyente niya’y galing na sa amin kaya alam naming hindi bastos. Doon siya nilalagay ni Amari dahil nineteen pa lang ito.
BINABASA MO ANG
Delicante Brothers: Ngayong Akin Ka (Zohan)
RomanceZohan Delicante's Story (From Bound By Duties) Being beautiful is a blessing to her. Maganda siya kaya kahit papaano, may paraan para magkaroon ng pera na higit pa sa kayang ibigay ng normal na trabaho. Sa pagkita ng pera umiikot ang buhay niya. Na...