Delicante Brothers: Ngayong Akin Ka
Kabanata 11
AssholeZohan D:
I’m on my way. Huwag kang lalabas. Kakatok ako sa pintuan mo.
I read it loudly in my head to remind me of what I am supposed to do today. Oo nga pala…may lakad ako kasama siya.
Mabilis na mabilis dumaan ang mga araw at linggo para sa akin. Hindi ko nga namalayan na nag-aasikaso na ako ngayon para sa pagtitingin ng lupa. Tama! Lupa!
Zohan Delicante messages me after Amari and I decided to have our night out with our schoolmates. Wala ‘yon sa plano ko pero ang gwapong ‘yon, ang text sa akin ay may listahan siya ng mga lupa na pwedeng tignan namin. Namin! Kasama siya!
I don’t know what happened that night. I don’t remember it all. Ang alam ko lang ay kasama ko si Zohan Delicante pauwi at inalalayan ako. Nadala ko sa condo unit nang wala sa oras dahil siya ang naghatid sa akin.
Abot-abot na pambubuska ang tinamasa ko kay Amari noon.
“Sus! Hindi nga kayo nag-jerjer noong binayaran ka ng isang milyon, tapos kagabi niyo pala gagawin.”
“Hindi, ah!” matigas-tigas na agap ko sa iniisip niya.
Wala akong maalala pero hindi sumakit ang katawan ko kaya alam kong wala akong dinanas na romansa kay Zohan. Ulo ang masakit sa akin dahil sa hangover.
“Walang nangyari. Nagmagandang loob lang iyong tao,” iyon ang maya’tmaya kong kinakatwiran kapag nabi-bring up ang tungkol doon.
Hindi ko natatandaan kung may nasabi ba ako kay Zohan na kung ano. Ang alam ko lang, pinipilit niyang tignan na namin ‘yong lupa na nalalaman niya.
He messaged me about it and when I declined, tumawag na ito. And after that day, in fairness, para kaming friends lang. Nagtatanungan ng kung ano pero hindi ‘yong sobra-sobrang OA na masasabi mong may mutual understanding kami tulad ng sinasabi ni Amari.
“Wala nga ‘yon! We’re friends!”
“After that night?” tuloy siya sa pang-aalaska.
Kausap ko siya bago ako lumarga ngayon. Wala pa si Zohan. Susunduin ako.
“Oo. He’s a good friend!” giit ko ulit.
“A good friend. Ano ba kasing ginawa mo at naging good friend iyan sa iyo? At bakit hindi ka makabalik sa trabaho kamo?”
Ngumiwi ako.
Oo nga ‘no? Bakit hindi ako makabalik sa pagtanggap sa Amarina ng kliyente? Kasi ang daming kaganapan sa buhay ko na dulot lahat ng higanteng ‘yon.
Nag-costing na ako para doon sa mga gagamitin ko, mula sa buhangin, semento, hollow blocks hanggang sa mga pako na gagamitin, sa tiles, sa bubong at higit sa lahat, ‘yong engineer at architect.
Ni hindi ko naisip na kakailanganin ko ang dalawang ‘yan dahil simple lang naman ipapagawa kong apartment, Two storey lang na tag-tatlo ang bedrooms at iisa lang ang CR sa ibaba at taas. Nauwi na ngayon sa dalawang two storey apartment na may taglimang kwarto at kanya-kanyang comfort room dahil kay Zohan.Kesyo komportable para sa mga tenant, hindi tinipid, hindi magkakaproblema sa design. Kulang na lang isipin kong balak pa nga yata niya mag-suggest ng interior designer, e.
Nadala lang naman ako sa costing na binigay niya. Hindi aabot ng dalawang milyon ang mababawas sa pera ko pero ngayon, nag-search ako at para lang sana malaman kung totoo ba ‘yon, sa lupa pa lang dapat ubos na iyong dalawang milyon! Kapag with rights and titulo!
Napapaisip na tuloy ako. Ginagago lang yata ako ng costing ni Zohan kaya ibi-bring up ko sa kaniya iyan mamaya.
“Hindi ka na nakasagot,” si Amari sa kabilang linya.
BINABASA MO ANG
Delicante Brothers: Ngayong Akin Ka (Zohan)
RomanceZohan Delicante's Story (From Bound By Duties) Being beautiful is a blessing to her. Maganda siya kaya kahit papaano, may paraan para magkaroon ng pera na higit pa sa kayang ibigay ng normal na trabaho. Sa pagkita ng pera umiikot ang buhay niya. Na...