Kabanata 12

425 13 1
                                    

Delicante Brothers: Ngayong Akin Ka
Kabanata 12
Sister

Dire-diretso ang araw namin ni Zohan. Mukhang ganadong-ganado talaga siya sa araw na ‘to.

Even when I told him that I no longer want to visit the other agent, sumige pa rin kami dahil aniya, mas magandang nabisita na namin ang lahat upang kung magkaroon man ng indulto, may choices na agad ako.

Magaling siya. Talagang business minded. Halatang bawat desisyon niya, pinag-aaralan niya. Although sobrang daldal ko sa buong durasyon na magkasama kami, parang hindi naman siya naba-bother doon. Ni hindi ko siya nakitaan ng stress.

Ako nga nai-stress na agad sa dami ng pinagsasasabi ng ahente. Understandble iyon. Bago lang ako rito. Wala nga akong balak magnegosyo agad kung hindi niya lang ako kinukulit.

Come to think of it. Oo nga naman. Tama naman talaga si Amari. Bakit kaya sobrang invested ni Zohan Delicante na tulungan ako sa pagpapatayo ng negosyo upang makaalis na ako sa trabaho?

Ginigiit pilit ni Amari, maybe Zohan is after something. Maybe he like me. Maybe he wants something in return.

Sa isip ko, ano naman ‘yon? Kung sex ang habol niya sa akin, he paid me ten million. Dapat noon pa lang ginawa na namin ‘yon pero hindi nangyari. Why? Because he said he’s not like that.

He paid me ten million for a date for a proper apology. Dahil lang sa simpleng pagkakasagutan namin na bayad niya rin naman kung tutuusin.

Kung hindi nangyari ‘yong pag-uusap namin kanina, baka umaasa na nga akong may gusto siya sa akin tulad ng gatong ni Amari sa tuwinang napag-uusapan namin ‘to.

What does she want me to do? Decline ko ‘tong offer ni Zohan kasi wala naman palang meaning? No way. Tulong na rin ‘to kaya hindi ko ‘to uurungan.

“What do you think?” sabay baling niya sa akin. habang may nakatiwas na isang kilay.

“Okay na okay!” I gave him and the man he’s talking a double thumbs up.

I saw his face lightened up a bit as if he’s contemplating whether to smile or to chuckle.

Yumuko agad ako at inayos ang buhok pati na rin sinubukang ikalma iyong mukha ko at mga cells dito.

We’re in our last stop, our last land visit. Ibig sabihin noon, hustuhan na ang pagod na nararamdaman ko.

Sabi na kasing tama na ‘yong isa o dalawa, ay hindi pumayag si Zohan. Sige pa rin. Sa sobrang invested niya sa pagbi-business kong ‘to, iisipin kong balak niyang makihati sa akin sa kikitain.

Kung ‘di lang ‘to mayaman…

Bumuntong-hininga ako at ni-ready ulit ang sarili para ngumiti-ngiti man lang.

Si Zohan na nga ang nag-drive, siya pa ang kausap ng mga ahenteng ‘to. Baka mamaya isipin niya sa kaniya ko na lang ipinapasan ang trabaho.

“Okay na okay na po sa amin. We will contact you once we’re settled,” pagmamagaling ko nang lumapit.

Zohan watched me as I talked.

Tinutuldukan ko lang ang usapan. Baka mamaya ay magawi pa sa iba. Alas tres na ng hapon, uwing-uwi na ako.

I’m not hungry, I’m just tired. Hindi naman ako na-inform na ganito pala makipag-usap sa mga ahente, lahat iche-check. Size ng lupa, access sa tubig, kuryente. Kung kamusta ang neighborhood.

Kung tutuusin, dahil hindi naman bongga ‘yong ipapagawa ko dahil apartment nga lang, bilabg magsisimula pa lang at budget friendly, naisip kong hindi masyadong maarte ang pagtatayo, even sa pagpili ng lupa.

Delicante Brothers: Ngayong Akin Ka (Zohan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon