Delicante Brothers #1: Ngayong Akin Ka
Kabanata 14
Utuin“Ano bang nangyari?” kunot-noong tanong ko habang tinatahak niya ang daan papasok sa apartment ko.
“I kept on calling you, hindi ka sumasagot,” mabagal niyang sinabi ‘yon.
I stared at his back. Inaalis niya ang polo niya, may nakapaloob doong sando dahil nga galing siya sa beach at malamang ay dito dumiretso.
“Ano naman? Natulog nga ako. Masasagot ko ba ‘yon kung nakatulog ako?”
He gave me squinted eyes, I kept my glare at him intact. Hindi ko makakalimutan iyong sinabi niya about doon sa fridge, ah.
“Um-order ka talaga?” pag-usyuso ko.
He smirked. My eyes landed on the paper bag of a famous sweet shop.
“I did. Malaki na iyong in-order ko,” mayabang niyang sinabi na nagpalukot ng aking mukha.
“Nasisiraan ka na ba? Sa liit nitong apartment ko? Tapos ano? Mahal sa kuryente iyan.”
“I’ll pay for everything then.”
That suggestion sounds like this is just a simple matter and I shouldn’t be worried about it. Na may solusyon naman siya roon kaya ayos lang ang lahat.
Namaywang ako matapos kamutin ang bahagi ng ulo ko sa parteng batok. Tutubuan yata ako ng tatlong ulo kay Zohan.
“So, seryoso ka sa pa-sugar daddy mo?” tuya ko sa kaniya, sarkastiko na ang tono ng boses ko.
Naalala ko ang niluluto kaya tinalikuran ko siya sandali. Dama ko naman ang pagsunod niya kaya ngumiwi agad ako.
“Kung hindi mo naman kaya bayaran…”
“Kaya dapat ‘di na kumuha.”
Hinalo ko sandali ang sabaw bago siya hinarap.
“Zohan, sa aming mahihirap, hindi kami bumibili ng bagay na ‘di naman sobrang kailangan lalo at may alternative pa,” litanya ko.
“Really?” sa tonong iyon, wala man lang kaunting pagkaseryoso sa kaniya.
He checked some food I cooked.
“I like this one,” balewala niya sa sinabi ko.
Umiiwas lang siya, e. Kasi sa kaniya wala lang naman talaga iyong ginastos niya sa ref.
“Zohan,” untag ko rito at nilapitan siya.
“Hmm?” Nakataas ang kilay niyang himig, para pa akong lalong naaasar.
“Maliit ang apartment na ‘to. Baka sa pintuan pa lang hindi na magkasya.”
“Magagawan ng paraan ng delivery iyon. Ang mahalaga, may gagamitin ka na rito.”
“May ref nga, wala namang laman?” banat ko kasi the hell? Gagastos pa ba ako sa grocery na sobrang laki?
Hindi ko kayang bitawan ang ten thousand sa isang bagsakan. Nagagawa ko lang iyong malaki kapag utang na ni Mama na siyang inuurada ko sanang matapos.
Sa totoo lang, nakaka-guilty din minsan na kaya ko gastusan ang hindi ko naman pinakinabangan tapos sa sarili ko, hinayang na hinayang ako.
“Mag-grocery tayo after this?” he suggested with a smile.
Parang nanalo siya sa lotto sa suhestiyon niyang iyon, eh, iniiwasan ko nga!
Though, nakakatuwang mag-grocery, maliban na lang kapag bayaran na sa counter. Sinong matutuwa na lilimang produkto ay halatang isang libo na? Napakamamahal ngayon.
BINABASA MO ANG
Delicante Brothers: Ngayong Akin Ka (Zohan)
RomanceZohan Delicante's Story (From Bound By Duties) Being beautiful is a blessing to her. Maganda siya kaya kahit papaano, may paraan para magkaroon ng pera na higit pa sa kayang ibigay ng normal na trabaho. Sa pagkita ng pera umiikot ang buhay niya. Na...