Delicante Brothers: Ngayong Akin Ka
Kabanata 26
Sama ng loobOur vacation went wild and exhausting and we’re both happy because of that. As expected, game na game si Zohan. Sa lahat yata ng liblib at tahimik na lugar, nagagawa namin ang kalokohan namin.
Sa sobrang saya ko nga, hindi ko na talaga gustong umuwi. Gusto ko na lang manatili roon. Kaya naman dalawang araw na ang nakalilipas, parang lumalangoy-langoy pa rin ako kahit sa pagtulog.
Balik tahimik na buhay at business na ang pareho sa amin ngayon. Sa susunod aayain ko ulit si Zohan.
Hindi naman pala nakaka-guilty magbakasyon basta kasama mo ‘yong taong gusto mo.
That’s what I told Amari na nginiwian nito.
“Tama na iyan. Sobra na iyang daydream mo,” pagbibiro niya sa akin.
Humalakhak lamang ako. Dumalaw kasi siya at may pupuntahan sa isang clinic malapit sa akin. Inagahan ang pagpunta rito para makapag-usap din kami kahit papaano.
“Masaya lang ako, e. Ikaw rin naman,” wika ko saka ibinaba ang ininit kong baked mac.
She shook her head. Lumabi pa ito at dinampot ang mangkok ng baked mac na animoy may halong tampo.
“Aalis na ako ng Amarina, ‘di ba?” aniya at sumubo.
“Oh, edi masaya?” tugon ko rito. “Mapapahinga ka na. Sabi mo naman ayaw mo ba makigulo sa tiyahin mo, ‘di ba?”
“Iyon na lang din ang iniisip ko.”
Nagkibita-balikat siya at nagsunod-sunod ang pagsubo ng baked mac. Tinaasan ko siya ng kilay. Hindi naman ganito katakaw si Amari, ah?
“Hoy? Gutom na gutom lang?”
Tumango siya isang beses lang, hindi ko pa alam kung totoo nga ba o nagalaw lang ang ulo sa pagsubo. Diretso pa rin kasi siya. Medyo nananaba si Amari. Ngayon ko lang napansin dahil ang suot niya ngayon ay paboritong damit niya na karaniwang maluwag naman.
Well, she’s a person who doesn’t seem to care about her body size. Kasi nga hindi naman nagkakaroon ng problema. Kahit papaano kasi’y tumatamasa rin ng maayos na pag-aasikaso iyon at may pera siya.
“May problema ka ba sa love life mo?”
Pumalatak siya sa naging tanong ko at ngumisi.
“May pakiramdam ako sa hayop na iyon, e,” aniya, sisimangot at ngingisi pagkatapos.
Tinaas ko ang paa ko.
“Feeling ko may kinalaman siya sa pagpapaalis sa akin ng tiyahin ko. Nahuli kasi ako noon na pinipilit ng isang lalaki na mai-date sa isang gabi. Alam mo naman na hindi ako pwede magtaas ng boses at kliyente, ‘di ba? Feeling ko rin gusto niya akong ibahay.”
Umirit ako roon na pinanlaki ng mata niya. Halakhak ko ang sumunod doon tapos siya naman ay natawa na rin.
“Tanga! Ang ingay mo! Baka mamaya may natutulog sa tabi!” sita niya pero lumulabas pa rin ang pagtawa sa bawat pagitan ng salita.
Walang tao sa umaga rito. Nasa trabaho lahat.
“Ang galing! Seryoso nga sa iyo! Malay mo naman pakasalan ka.”
“Hindi pa iyon sure, hoy! Ano ka ba? Baka naman miski ikaw umaasa diyan kay Zohan, ah?”
Nanlalaki ang mata niya sa akin, nagbababala, nagbabawal na kaya naputol ang ngiti ko at ngumiwi na lamang.
“Sinasabi ko talaga sa iyo, Sadira. Hindi pa kita nakitang nanghihina sa kahit na anong pinagdaraanan mo pero iba kasi kapag ganito lalo pa’t… alam mo iyon…” she tried to explain it with her hands. “First mo siya.”
BINABASA MO ANG
Delicante Brothers: Ngayong Akin Ka (Zohan)
RomanceZohan Delicante's Story (From Bound By Duties) Being beautiful is a blessing to her. Maganda siya kaya kahit papaano, may paraan para magkaroon ng pera na higit pa sa kayang ibigay ng normal na trabaho. Sa pagkita ng pera umiikot ang buhay niya. Na...