Delicante Brothers: Ngayong Akin ka
Kabanata 9
SignalHindi makapaniwala si Amari nang sabihin kong walang nangyari sa amin. Ang gagang ‘yon, naisip niya pang nagpapaka-virgin lang daw ako.
Hindi niya lubos maisip na halos for free lang ang ilang milyon dahil ang dinner date naman ay halos nasa fifty thousand lang talaga, kapag galante ang kliyente.
“Baka nahihiya ka lang, huwag mo ng itanggi,” pangungulit niya sa akin, nasa cafe kami at libre ko siya.
For the first time, nagawa kong manlibre ng hindi ako nakokonsensya sa aking mga bayarin.
“Hindi nga! At bakit ako mahihiya kung si Zohan Delicante ang bubutas sa akin?” ngumisi ako.
Humagikgik kami pareho.
“Napakaswerte mo naman! Parang may ginawa ka sa past life mo, ah? Tapos ito ang premyo.”
Mayabang ako sa pagkibit balikat sa kanya.
“Parang gano’n na nga. Baka may naligtas akong emperor noon?”
She slapped my head gently.
“Thank you sa libre, ha? Baka mamaya yayaman ka na pala, sabihan mo lang ako. Willing ako maging chaperone mo.”
“Hoy, anong yayaman?” nanlalaki ang mata ko sa biglang naisip.
Tingin ba niya’y magugustuhan ako ni Zohan, ibabahay o ‘di kaya ay pakakasalan? Para lang sa mga kabet ‘yon at sa mga matatanda na. Hindi kukuha ng gano’n si Zohan, ‘no! Iyon pa? Balita na nga na may fiance iyon.
Natawa siya at dinuro ako.
“Ibig kong sabihin kasi, baka mamaya ay biglang kunin ka ulit for another ten million. Oh, edi yayaman ka na. Alam mo namang kayamanan na sa ating mahihirap ang milyones ‘di ba?”
Napatango ako roon.
Bumunghalit siya ng tawa sa akin, may halo pang palakpak. Tinuro niya ‘yong mukha ko na ngayon ay nakasibangot na dahil alam ko ang ibig sabihin ng tawa niyang ‘yon.
“Bakit? Akala mo ba sasabihin kong baka pakasalan ka?”
Lumabi ako at inirapan siya. Uminom ako ng milk tea, patuloy siya sa pambubuska.
“Aminin mo, umasa kang ‘yon ang nabi-visualize ko sa ‘yo. Malabo ‘yon, ‘teng. Hindi kita paaasahin. Iyang mayayaman na ‘yan, naghahangad lang ‘yan ng thrill sa buhay. Kapag nakuha na nila, discarded ka na.”
Tumango naman ako roon. Alam ko na ‘yon, matagal na. Kaya kailanman ay hindi ako umasa. May mga proposal nga sa akin, nagsasabing sila ng bahala sa akin, patitigilin ako sa trabaho at buhay reyna na lang basta ba sila lang ang magiging trabaho ko.
No way!
Susugurin lang ako ng mga asa-asawa nila. Malaki pa naman ang nakukuha ko sa pagtatrabaho, hindi ko kailangan ng super stress sa buhay.
Isang linggo akong titigil sa trabaho. Para sa biyernes ng gabi, napagpasyahan namin ni Amari na kontakin ang ilang mga naging kaibigan sa college at mag-night out.
Iba rin talaga kapag nakakaangat-angat ng kaunti sa buhay, e. May night out pang nalalaman.
Nagsuot lang ako ng isang kulay pulang tube corset, p-in-artner-an ko ‘yon ng isang mini skirt. Nagsuot lang ako ng bangles at saka nag-makeup ng bongga. Sultry makeup ‘yon na nakasanayan kong gamitin kapag bar ang tungo namin ng kliyente ko.
Nag-suot lang ako ng luma kong ankle strap heels. I completed the look with my hair in a ponytail and red lipstick.
Wala naman akong planong makipag-hookup kasi there is no way na for free ang aking virginity pero siyempre, maganda rin ‘yong talaga namang ayos na ayos ka dahil may mga kasama kang baka todo ayos din.
BINABASA MO ANG
Delicante Brothers: Ngayong Akin Ka (Zohan)
RomantizmZohan Delicante's Story (From Bound By Duties) Being beautiful is a blessing to her. Maganda siya kaya kahit papaano, may paraan para magkaroon ng pera na higit pa sa kayang ibigay ng normal na trabaho. Sa pagkita ng pera umiikot ang buhay niya. Na...