Delicante Brothers: Ngayong Akin Ka
Kabanata 6
Full paymentNaging maingay ang table dahil sa sagutan nila ni Georgia. Hindi sila natigil at kapwa may pinaglalaban at kahit sinusuway ng ibang mga kaibigang babae, hindi na sila magpaawat.
Dumating sa puntong nilapitan na sila ng mga lalaki.
I noticed how Fin immediately went to Georgia’s side, gently grasping her elbow and trying to lead her away from our table, even as she looked ready to slap Lydia. He spoke to her softly, likely trying to calm her down, while Lydia, on the other hand, was engaged in conversation with Niccolo.
Nakikiusap siguro ‘yong isa na huwag ng palakihin dahil magugulo ang party niya. Kahit sino naman siguro. Baka nga mauwi pa sa pagtataboy kung ako ang nasa posisyon niya kasi hindi ako papayag na magugulo ang party ko dahil lang hindi nakaya ng dalawang i-settle ang issue nila.
“She’s the wrong one here! Kaya nga iyan iniwan ni Fin, e, kasi masyadong self-centered!”
Ugaling iskwater din talaga si Lydia dahil ayaw nitong magpatalo. Naging tahimik ang party nang may lumapit kay Niccolo na dalawang hotel staff yata. Mukha pang nagulat ito at nawala sandali ang atensyon sa away.
He nodded and the staff talked on their watches. Mayamaya pa, may napansin akong pumasok sa pintuan. Nawalan ng emosyon ang aking mukha nang matanawan si Zohan Delicante.
As he enters, he exudes a serious and business-like aura. He surveys the room with the commanding presence of a deity visiting his subjects. He's wearing a crisp white long-sleeved shirt with the sleeves rolled up to his elbows, paired with dark blue slacks. Malayo pa lang, kitang-kita na iyong aura niya rito, e. Malabong hindi mapansin ang isang Delicante.
Malamig ang tinging ibinibigay nito sa mga sumalubong sa kaniya at miski doon kay Niccolo nang lapitan siya nito. Parang kahit si Niccolo naman ang host ng party, siya pa ang dapat magpasalamat na naroon si Zohan. Feeling ko nga party crasher lang ‘to, e.
Lumapit na lang ako kay Fin at Georgia para naman hindi ko na kailangan magawi sa pwesto noon at makausap siya. Ayaw ko siyang makaharap pa baka kami naman ang sumunod sa pagtatalo ng dalawang babae.
“Saddy,” Fin looked shocked and embarrassed, probably because he had forgotten about me.
“It’s okay. Medyo gabi na rin. Mukhang kailangana na rin ni Georgia umuwi.”
She shook her head and took a deep breath.
“I have my own driver. You can go now Fin,” si Georgia naman ‘yon.
Tinignan naman ako ni Fin. Pinanlakihan ko siya ng mata. Dapat lang na alam niyang mag-offer siya kay Georgia at huwag na akong intindihin.
“Naku, magkikita pa sana kami ng friend ko diyan sa kabilang building. Okay lang naman ‘yon, Fin, ‘di ba?”
Nakikita ko si Georgia na hinahanap ang mga mata ko para siguro malaman kung nagsasabi ako ng totoo. Hindi na ako tumingin sa kaniya.
I looked at my watch so I could show them I am in hurry.
“Pwede ba?”
“You sure?” si Fin na nasa pagitan pa ng paniniwalang ayos lang ang sinabi ko.
“Oo naman. Nag-aaya rin sila, e. Iuwi mo na si Georgia. Gabi na rin at mahirap na baka magpambuno pa sila ni Lydia.”
Tinalikuran ko na agad sila para hindi na sila makaangal pa.
Diretso ang lakad ko palabas sana pero naharang ako noong Katelyn.
“You’re going home?” takang tanong nito.
I nodded. “Oo. May naghihintay sa akin na iba pang kaibigan, e.”
BINABASA MO ANG
Delicante Brothers: Ngayong Akin Ka (Zohan)
RomanceZohan Delicante's Story (From Bound By Duties) Being beautiful is a blessing to her. Maganda siya kaya kahit papaano, may paraan para magkaroon ng pera na higit pa sa kayang ibigay ng normal na trabaho. Sa pagkita ng pera umiikot ang buhay niya. Na...