Kabanata 16

389 12 6
                                    

Delicante Brothers: Ngayong Akin Ka
Kabanata 16
Iwasan

Wala akong balak pakawalan siya. Ang sarap kaya niya humalik. Kaya lang, mukhang napansin niyang mawawalan na ako ng hininga kaya naman pinakawalan niya ang labi ko at pinatakan ng masusuyong halik ang aking pisngi.

Hinahabol ko ang aking hininga, halos tumingala nang babain ng halik niya ang leeg ko. Tang ina! Ang sarap pala ng ganito?

Pirmihang nakahawak sa aking baywang ang dalawang kamay niya, nasa kandungan niya ako at hindi ko alam kung ‘di niya ba talaga ramdam ang bigat ko o baka sanay siya sa ganito?

Pinuno ko lang ng hangin ang baga ko bagong muling umuklo at hinalikan siya. Puro mapagpaunlak na halik ang pinagsaluhan namin bago pa ako parang mauubusan ng lakas.

Natigil lang kami nang kapwa namin marinig ang pagtunog ng cellphone niya. Though he didn’t bother looking at his phone and taking the call. He just stared at me as if still high while I grinned at him.

“Masarap ka ngang humalik,” puna ko at humagikgik.

He smirked at me, he tilted his head and his eyes filled with amusement.

“Hinalikan mo lang ba ako para mapatunayan iyan?” mayabang niyang tanong.

Umiling ako at humalakhak. Kalaunan ay umalis na ako sa kandungan niya.

“Umuwi ka na. Inaantok na ako,” pagtataboy ko rito.

Aba, naka-first base na siya sa akin, baka mamaya mag-second, no way. Huwag ngayong araw. Sa next day naman para hindi isang bagsakan.

Nakanguso siyang tumango.

“You're pushing me away after our kisses,” he stated the obvious.

I nodded at him.

“Huwag ka na humirit ng isa pa. Next time naman para hindi tayo manawa,” pahayag ko saka kumindat sa kaniya.

He laughed heartily that it made me smile even when I’m closing the door after I bid him goodbye.

Hinawakan ko ang labi ko na pinatakan niya pa ng halik bago siya tumalikod.

Ngising-ngisi ako at sumandal sa pader. Nararamdaman ko pa rin kasi ‘yong lambot noon, e. Mas masarap siya sa dinner, in fairness.

Kaya siguro nababaliw din ang mga babae sa kaniya.

Pero napagkukumpara ba iyon? Kung parehong marunong humalik ang isang lalaki, masasabi mo bang magkaiba sila? Hindi naman totoong may lasa ang labi pero kasi iyong pinapadama noon ang ibig sabihin. So magkakatalo ba kapag ang hinalikan mo ay gusto mo at hindi mo gusto? Doon nagbabago ang lasa?

Talagang tinatanong ng isip ko kung tama ba ‘yong naiisip ko kaya tinawagan ko na si Amari.

Tunog ng kutsara ang narinig ko sa kabilang linya.

“Tumawag ang donya. Bakit? Naghihirap ka na ba at babalik sa trabaho?” aniya na ikinanguso ko.

Tinungo ko ang kwarto at saka hinubad isa-isa ang damit.

“Kagagaling lang ni Zohan dito,” saad ko.

“Oh tapos? Nakikipaghiwalay na?”

“Gaga! Walang kami, ‘no! Hindi ko siya boyfriend,” pagtatama ko.

I heard her snort.

“But we kissed, Amari!” I’m so excited to tell her that. “He’s a good kisser, oh my god!”

“Teenager lang?” aniya at natawa.

I giggle too because I feel like it is something that makes me a bit happy.

Delicante Brothers: Ngayong Akin Ka (Zohan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon