Delicante Brothers #1: Ngayong Akin Ka
Kabanata 25
Dahilan“I’m sorry. Hindi tayo pwedeng manatili roon unless that man is gone,” ang wika niya habang minamaneho ang sasakyan.
Kanina pa kasi kaming dalawa tahimik. Kung hindi siya magsasalita, hindi rin ako. Magpatigasan kaming dalawa rito. Lalo’t medyo iritado pa ako sa Catherine na ‘yon.
“He threatened to hurt you. I heard that,” dagdag niya pa.
Tumango naman ako. Oo nga at sinabi noong lalaki ‘yon. Na hindi siya papayag na hindi ako makuha. Wala naman akong problema kahit lumipat pa kami. Siya naman ang gumagastos sa lahat at sure naman akong mag-i-enjoy pa rin ako. Na-badtrip lang talaga ako sa babaeng ‘yon.
“Walang problema sa akin kahit saan,” tugon ko rito pero hindi siya binabalingan.
Inaantok ako bigla. Sabi niya naman ay mayroon na siyang nahanap na beach resort na mas maganda.
“Gisingin mo na lang ako kapag nakarating na tayo,” wika ko at humikab.
I shut my eyes and took a quick nap. Ginising nga niya ako ngunit may pakiramdam akong hinayaan niya muna akong matulog ng siguro’y kalahating oras?
“Ang ganda rito, ah,” puri ko agad.
Mas maaliwalas at hindi maraming tao. Mukhang safe na safe kaysa doon sa pinanggalingan namin. Bet!
“Kuhanan mo ako ng mga pictures dito, ha?” sabay baling ko sa kaniya.
I caught him staring at me with eyes, deep, as if thinking of something crucial.
“What’s the problem?” huminto pa ako at hinintay siya.
Mukha namang wala sa mga bagahe ang problema niya kaya hindi ako nag-alok ng tulong.
“I’m sorry about Catherine,” aniya nang makalapit sa akin.
Zohan stopped too and stared at me, contemplating whether he’d speak again. I waited for that kasi baka may susunod pa siyang sasabihin?
“Pinsan niya ang isa sa mga board members. He’s a friend and he knew I was having my vacation.”
I nodded at that. Hindi nga pala alam ng mga kaibigan niyang may girlfriend siya, hindi ba? Ayos lang naman ‘yon at wala naman talagang magandang dulot kung ipaaalam niya pa.
“Okay. I understand,” sabi ko at ngumiti para pagaanin ang loob niya. “Tara na? Ligong-ligo na ako.”
I saw him heave a sigh and I can hear the relief from that. Akala niya siguro magta-tantrums ako rito, ‘no? No. I am not like that. Ang daming energy kung aawayin ko siya ng wala naman ng dahilan. Saka na lang kapag may mabigat na rason na.
“Let’s go. I asked for a jetski.”
“Talaga?! Hindi mo sinabi, e! Sana hinila na kita kanina pa. May banana boat ba?”
He chuckled at my excitement. Ako’y walang pakialam kung mukhang taong gubat ako sa sobrang excite ko na mistulang first time ko ‘to. Totoo naman, e. Sa tabing bayan lang kasi kami dati naliligo, for free pa ‘yon.
Walang mga magagandang cottages at masasarap na pagkain. At saka I am really excited. Sa taong puro trabaho ko, deserve ko naman ‘to, ‘di ba? Hindi naman ako ang gumagastos.
“Let’s eat first?” aya niya nang pababa na kami ng hotel.
Umiling agad ako dahil makinang na talaga ang dagat. Gusto kong maligo muna.
“Kapag wala ng liwanag hindi mo ako mapapaligo. Takot akong may pating o piranha.”
“Wala rito noon. Mas maraming naliligo ng gabi,” aniya at hinawakan ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
Delicante Brothers: Ngayong Akin Ka (Zohan)
Lãng mạnZohan Delicante's Story (From Bound By Duties) Being beautiful is a blessing to her. Maganda siya kaya kahit papaano, may paraan para magkaroon ng pera na higit pa sa kayang ibigay ng normal na trabaho. Sa pagkita ng pera umiikot ang buhay niya. Na...