Kabanata 27

58 2 0
                                    

Delicante Brothers: Ngayong Akin Ka
Kabanata 27
Alok

I cried inside my room while trying to call Amari. I don’t want to stay here with them. Kay Amari muna siguro ako at bukas na lang uuwi.

Kahit noon pa man, pinangako ko sa sarili kong tutulong lang ako sa utang dahil na rin sa pangalan ni tatay iyon at ‘di ko gustong masira ang pangalan nito. Ayaw kong maging malapit kay Mama at gayon ang paghinga ko nang makalaya sa utang na ‘yon dahil sa wakas ay tapos na. Hindi ko na siya kailanman kailangan makita. Mali pala.

Hindi sumasagot si Amari kaya natulala ako sa cellphone habang sa screen ay naroon ang contact ni Zohan. Dapat ko ba siyang buligligin kahit dis oras na ng gabi?

I took a deep breath and calmed myself. Sa inn na lang ako o ‘di kaya ay sa mumurahing motel. Hindi ko siya kailangan abalahin dahil wala siyang kinalaman dito. My issues with my mother have nothing to do with him.

Hindi ko idadamay si Zohan dito sa gulong meron kami ni Mama. Lalo pa’t alam kong siyaa ng tipo ng taong didikitan ang taong alam niyang may makukuha siya.

I grabbed my jacket and quickly stuffed some essentials into my bag before heading out. I didn’t bother saying goodbye, even though I could feel their eyes on me, probably wanting to ask questions, as they watched until I closed the door behind me.

Tears were still streaming down my face, fueled by the bitterness in my heart. Maybe I really am a terrible child, but I’ve spent years trying to live independently, without relying on her, without thinking about how she abandoned us back then. And now she’s here, just like that?

Tinignan ko bawat pintuan ng kapitbahay ko. Sino kaya sa mga ito ang nagdaldal tungkol kay Zohan? Nang mabasag ang mukha, Napakadaldal. Malamang iyon ay inggit na naman dahil bakit mo pa ikukuwento ang tungkol sa buhay ng iba?

Sa sobrang sama ng loob ko, nagawa kong lakarin ang inn malapit sa apartment ko.

“Sorry po, Ma’am, puno na po kami,” ang masamang balita nito.

Kinagat ko ang labi dahil wala akong choice kundi maghintay ng taxi kung meron pa nga ba o kahit tricycle o magtungo sa motel sa tapat ng inn.

Nakatayo ako sa bungad at nagdadalawang-isip pa rin dahil ang naglalabas-masok dito’y may kaakbay o ‘di kaya’y kahawak kamay.

Malamang, motel ‘to. Alam ng lahat na kaya napunta rito para gumawa ng milagro.

Ngumiwi ako.

“Good morning, Ma’am,” anang guard doon.

Ginusto kong ngumiti pero hindi natuloy.
“Kailangan ng silid, Ma’am?”

I swallowed hard when their receptionist looked at my way.

“Uh… pwede bang iyong mag-stay lang hanggang bukas? Wala na kasi sa inn diyan…” tinuro ko ang katapat nila.

“Opo, Ma’am. Pwede-pwede po.”  Tinuro ng guard ang mga babae. “Doon na lang po tayo, Ma’am.”

Isang tango ang binigay ko rito bago ako pumunta sa tinuro niyang desk. Maayos naman kausap ang mga naroon. Binigyan ako ng room sa pinakadulo para daw hindi na kailangan pang maistorbo ako ng mga naglilinis at usually, oras lang ang tintagal ng iba rito.

Nahiya pa ako nang tanungin kung may inaasahan ba ako o wala.

“May problema lang ho kaya kailangan ko makituloy,” sagot ko na lamang.

I worked with people, and no matter how politely we tend to others’ needs, I know they’re still talking behind each other’s backs. Maybe they’re already gossiping about me or anyone who comes in and out of here. But that’s more acceptable than seeing two people in my apartment.

Delicante Brothers: Ngayong Akin Ka (Zohan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon