Kabanata 13

308 10 0
                                    

Delicante Brothers: Ngayong Akin Ka
Kabanata 13
Sugar Daddy

The following days, I got so busy talking to some hardware, comparing their prices and finally deciding where to buy all the materials I need for the apartment.

Tinutulungan pa rin ako ni Zohan in terms sa pagdedesisyon. Ni hindi ko alam na may iba-iba pa palang sangay ang mga ganito. Kung ano-ano ang kailangan.

All at once, nilista ko ang mga sinasabi niyang kailangan ko. Paano ako naniniwala sa kaniyang kailangan iyon? Because he asked those from the engineer.

Ang final design ng apartment, naipakita na sa akin at naaprubahan ko na.

Totally, manghang-mangha ako. Maganda at malawak, sobrang convenient sa magiging boarders.

God. I wanted to live there too. Siguradong ang isang room doon ay akin. Mas maganda rin siguro ‘yon para malapit ako sa kanila dahil kung may kailangan man ayusin sa apartment, malalaman ko agad at maipapaayos.

Sa tubig at kuryente naman, may application na ako pero hindi pa iyon approve. Kailangan pa pala ng mismong sketch ng kabuoan ng bahay at mismong bahay. Sa parehong ‘yon, may pirma ng engineer, at saka nila ia-approve.

Hindi pa tuloy ako nakakabili ng kahit ano para sa tubig at ilaw.

Ngayon pa lang ako napapahinga at kausap si Zohan.

“It all went fine,” aniya nang magsisimula na lahat sa construction.

“Matitino ba iyon?” nakangusong tanong ko at natawa ng bahagya.

“What do you mean?” I heard a splash of water from his line.

Naliligo siya sa pool kaya ganoon. He’s with his friends. Hindi ko nga alam bakit tumawag pa siya gayong obvious naman na nasa bakasyon silang magkakaibigan.

“Kung matitino ‘yong mga tauhan. Iyong labor at mason? May times kasi na hindi matino, tulad no’ng kapitbahay namin noon na nagnakaw ng mga materyales at ‘di na pumasok,” kwento ko.

“Sa kompanya rin sila galing. They’re also the one who finished the hotel we launched last year,” aniya at nasundan ng paglagok ‘yon sa malamang ay alak.

“Iyong kung saan mo ako nakita noon?”

“Yeah. When I asked for your forgiveness.”

Ngumisi ako nang maalala ‘yon. Grabeng inis pa ako sa kaniya noon. Sinong mag-aakala na ngayon, kapatid niya na raw ako?

“I remember that! Tignan mo, sobrang close natin ngayon.”

“Tara na, Zohan. Naghihintay sila Tamara,” may sumigaw sa kabilang linya.

“Oy, inaaya ka na yata,” I stated the obvious.

“Mamaya na…”

“Anong mamaya na? Gago ka, ikaw nag-aya rito!”

Halakhakan ang naging ingay sa kabilang linya, sinabayan ng matunog na pagngisi ni Zohan.

“Sino ba iyang kausap mo? Si Tita?”

That’s Giovanni Castillo’s voice. Malapit lang siya kay Zohan o lumapit.

“Pumunta ka na roon,” untag ko.

“Mamaya na,” pirmi ang desisyon niya.

“Sino iyan?” bulong ‘yon at may kaunting ingay na animoy inaagaw ang cellphone.

“Stop it, Gio,” iritado ang boses ni Zohan.

Hindi na ako nagsalita pa. Nakinig na lang ako sa kanila dahil naka-loudspeaker naman ang akin. Binuksan ko na lang ang facebook app at doon nagtingin-tingin.

Delicante Brothers: Ngayong Akin Ka (Zohan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon