Delicante Brothers #1: Ngayong Akin Ka
Kabanata 20
MagkaibiganTahimik ako hanggang sa makapasok sa sasakyan. Pinal ang desisyon niyang iuwi ako, dumating sa puntong pakiramdam ko, kakainin na ako ng kahihiyan.
He even talked to Richard Dawson!
Tang ina rin nito, e. Hindi inisip na mahihiya ako roon sa tao.
Mukha itong gulat at ‘di makapaniwala pero dahil biglaan ang approach ni Zohan at hindi nito kayang itawag ang galit niya sa sitwasyon, pakiramdam ko’y napilitan na lamang si Richard na pumayag.
Hinabol pa ako ng tingin nito. Tipid at nahihiyang ngiti ang ipinabatid ko at isang simpleng ngiti at pagtango ang itinugon nito.
Hindi na ako nakapagsalita mag pa sa hanggang ngayon dahil sa ginawa ni Zohan.
Wala kaming kibuan miski sa loob ng sasakyan. Galit siya, iritado rin ako.
Ang lakas naman ng loob niya gawan ako ng eksena roon! Pera na iyon, e! Kung magrereklamo ang lalaki sa Amarina at makaabot sa tiyahin ni Amari, wala akong matatanggap na pera!
Hindi ko alam kung bakit napakaaksayado na tao ni Zohan. Naiinis ako!
“Let’s buy something to eat first. Hindi ko nakitang kumain ka,” aniya na hindi pa rin talaga kayang itago ang nararamdamang inis.
Dinig na dinig sa boses niya iyon, e. Kaunti na lang pwede na maging bulyaw pero pinipilit lang niyang maging mahinahon.
Hindi ko siya tinugon. Bahala siya sa buhay niya.
Kaya niya nasasabing hindi niya ako nakita dahil buong oras yata, nakamasid siya sa ginagawa ko, e, ang dami niya namang pwedeng gawin kaysa bantayan ako.
“Sadira,” mas kalmado pa iyon kaya nagpupuyos ang loob ko.
“Iuwi mo na ako. Iyon ang sinabi mo kanina kaya iyon ang gawin mo,” puno ng pagngingitngit kong sambit.
He took a deep breath but he soon blew it harshly. I rolled my eyes at him before fixing my eyes on the other side.
Hindi ko maintindihan bakit nakikialam pa siya, e.
Ang saya sana noong party na iyon. Unang gabi ko pa lang na mai-enjoy matapos kong ma-boring sa mahabang panahon.
First time ko makapunta sa barkong ganoon kalaki. Nakarating na ako sa party sa yate pero sa barko, hindi pa. Kaya nga game na game din ako sa alok ni Amari tapos sisirain lang niya?
Matapos niyang maging malamig sa akin? Tapos may girlfriend siya, ah? Hindi niya ba kasama ang girlfriend niya? Ka-date man lang?
At kung hindi man nga, hindi ba dapat hindi pa rin siya umaktong ganito? Those men he’s with are also the same men in the party he went with together with that Catherine. Hindi ba siya isusumbong noon gayong nakita ako at si Zohan?
Baka isipin nilang kabet ako?
Lalong nagpuyos ang aking damdamin. Nilingon ko siya dahil doon.
“Bakit ginugulo mo ako?” sikmat ko sa kaniya.
Nilingon niya ako, bumalatay ang gulat sa kanyang mata.
“Ginugulo? Really, Sadira? That’s what you think I’m doing?” He sounded impatient.
“Oo! Bakit hindi ba?”
“Hindi. Bakit kita guguluhin? I don’t feel any fucking hatred for you. Why would I do that?”
“Then why did you take me away from him? Kliyente iyon!”
“Binayaran ko na siya at tiyak na mananahimik siya-”
BINABASA MO ANG
Delicante Brothers: Ngayong Akin Ka (Zohan)
RomanceZohan Delicante's Story (From Bound By Duties) Being beautiful is a blessing to her. Maganda siya kaya kahit papaano, may paraan para magkaroon ng pera na higit pa sa kayang ibigay ng normal na trabaho. Sa pagkita ng pera umiikot ang buhay niya. Na...