Kabanata 3

417 5 1
                                    

Delicante Brothers: Ngayong Akin Ka
Kabanata 3
Galit

Naghahanda ako ngayon para sa pangmalakihang raket. Halos lahat ng talents ng Amarina ay nakuha bilang service sa bagong bukas na expensive bar.

Makakaasa naman daw kaming walang mangyayari sa mga talents na against sa kagustuhan namin pero pinagdadala kami ng sarili naming contract, just in case my additional services na alukin sa amin at kunin namin, may kasalutan para sa kabayaran.

Para sa iba ‘yon na posibleng offer-an ng isang gabi, papayag sila. Ako ay nakadepende kung kaya na ba noong bayad na ‘yon bayaran ang pagkakautang ng bwisit na kabit ni Mama. Kapag kaya na, gora. Kapag hindi, no.

“Gandahan niyo. May mga anak ng milyonaryo at bilyonaryo daw doon. Baka mamaya matipuhan kayo,” anang Prescila na kumindat-kindat pa.

Nailing naman ako roon. As much as I love the idea, it’s not going to happen.

“Magkakagusto sa atin ‘yong mga tatay noon na bilyonaryo pero silang mga anak?” umiling agad ako.

Naghalakhakan naman sila.

“Tama! Ikahihiya lang tayo ng mga ‘yon. Baka magustuhan man tayo pero itago tapos tayo tangang-tanga at sa huli, mag-aasawa ‘yang mga ‘yan ng kaestado nila sa buhay,” si Annie na agad kong tinanguan.

“I don’t think makakatagpo tayo ng anak ng bilyonaryo at makakapasok sa buhay nila ng hindi tayo naghihirap. Kaya kaysa sa kanila, hanap tayo ng kalebel natin pero hindi ‘yong tayo pa ang magpapakain, ah.”

Naging masaya ang kwentuhan namin habang naghahanda at nang makatanggap ng mensahe na nariyan na raw ang susundo sa amin para dalhin kami roon sa may bar ay kanya-kanya kaming dampot ng kagamitan.

“Bagay na bagay ba sa akin ang hikaw na bigay ni Tita?”

Tumango ako pero hindi ko naman nakita. Hindi naman kami aalis na may pangit sa amin pero ewan ko ba at nasa language na yata ng mga babae ang magtanong kahit alam na namin ang sagot.

“Grabe, limang van ba naman ‘yan? Ang yaman, ah!”

“Siyempre. Para naman dama natin na kasali talaga tayo sa party na ‘to.”

Ilan lang ‘yan sa samu’t saring reaksyon mula sa mga kasamahan ko na talagang ikinatutuwa ko naman.

Sa sasakyan ay masaya pa kaming nagbubuskahan.

Simple lang naman ang gagawin doon sa bar. Kapag may gusto ng lap dancer, naka-tip na ‘yon sa management ng bar mayroong naka-hire for that.

If they also want a company or an entertainer, they can ask for us. Kung magkapalagayan man, magustuhan man ang isang talent para sa sex, it depends if she will accept the offer. Pag-uusapan naman ang pera bago pa magawa ‘yong aktibidad na ‘yon para secured na.

We were welcomed by the elegant and extravagant ambiance of the place. This doesn’t look like a typical bar at all. Mas maganda kasi at hindi sobrang kalat ng mga guests dito, ah.

Kahit ang suot nila’y pang-bar pa rin naman, sexy at talagang para sa mga gimik pero nadadala nila ‘yon na tila ba kasuotan lang ‘yon pero ‘yong class at elegace ay sila mismo. Hindi tuloy mukhang puro mga hayok sa night life ang narito.

“Grabe, ang ganda. Akala ko ba bar pero bakit parang hotel naman ‘to?” bulong ni Annie.

“Bar ‘to. Siguro level up bar ng mga mayayaman. Alam mo ang mga ‘yan, ayaw na ayaw na may kapareho sila kaya naisipan sigurong ganito ang style. Bar na elegant,” pagmamarunong ko.

May kumiwit sa akin. Ang handler pala namin.

“Magkalat-kalat kayo,” anito kaya no choice kami kundi maghiwa-hiwalay na.

Delicante Brothers: Ngayong Akin Ka (Zohan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon