Delicante Brothers #1: Ngayong AKin Ka
Kabanata 23
Walang kawalaMabilis naman pala maka-recover sa sakit. Akala ko pa naman ay aabutin ako ng mahigit tatlong araw na hirap sa paglalakad. Hindi naman. Nakadalawang sex pa nga kami ni Zohan kinabukasan, e.
Kung itatanong niyo ang pakiramdam ko, of course sobrang saya ko.
There’s this definite feeling that I couldn’t really explain. Kasi noon masaya naman ako. Pakiramdam ko, wala namang kulang sa buhay ko.
I have a job. No matter what kind of job is in someone’s perspective, it feeds me and I earned it rightfully. Masaya ako dahil nakakaraos ako.
I was able to pay for the debt my mother and his lover made. Kahit na ganoon si Mama, hindi siya naging dahilan para hindi ako maging masaya. Nang mamatay ang Tatay, nakaahon din naman ako at natutong i-appreciate ang buhay.
I have friends, I am a little bit content, of course. Hindi ko alam na may kulang sa akin noon kasi…masaya naman talaga ako. But now… I keep on asking what is this kind of happiness?
Napapaisip tuloy ako minsan na baka naman dahil nakakatikim na ako ng sex? Pero hindi pa rin, e. Para sa akin ay higit pa roon itong nararamdaman ko. Was it because I can finally have someone to lean on to?
I admit it. He makes my life so much easier. I don’t pay for anything. Nakakainis na siya na ang lahat doon pero ngayon ko lang nararamdaman na…ang sarap pala sa pakiramdam na may katulong ka sa pinansyal? Na may nang-i-spoil sa iyo? Na may bibili sa iyo ng pagkain na hindi mo alam na gusto mo at may magbibigay sa iyo ng bagay na hindi mo naman hinihingi.
From the moment my father died, ako na ang tumayong magulang sa sarili ko. Ako na ang anak, ako pa ang magulang, ako pa ang kapatid. I became my own salvation because no one will save me, no one will take responsibility for me. No one will wake up early in the morning to make me breakfast or tuck me to bed at night. Walang nagtatanong kung ano ang nangyari sa araw ko. Walang yayakap sa akin kapag pakiramdam ko hindi ako okay.
Ngayon…meron na.
I'm quite emotional since yesterday when I realized about that. Ngayon narito si Amari, nakatingin sa akin habang ngumunguya.
“Tang ina mo ka! Baka kaya ka ganiyan kasi buntis ka?” aniya sa nanlalaki pang mata.
I continued sniffing and I glared at her.
“Mayroon ako ngayon. Mulala,” ismid ko rito.
She giggled and continued eating her chips. Nakataas pa ang paa nito, kaunti na lang iisipin kong laki siya sa hirap kaysa akin. Ganoon siya umasta, e. Sabagay. Totomboy-tomboy siya dati.
“Kaya pala ganiyan ka, e. Akala mo naman sobrang laki na ng problema niyo ni Zohan.”
“Hindi niya naman ako binibigyan ng problema.”
“Mayabang ka na niyan?” tuya niya sa akin na nanlalaki pa ang mata.
Suminghot ako at kumuha rin ng chips doon. Sabay kaming napalingon sa cellphone namin nang makatanggap ng text. Nagkatinginan pa kami bago ‘yon kinuha.
Bumungad sa akin ang text ni Zohan pero bago basahin ‘yon, sinulyapan ko si Amari.
“Sino ‘yan?” I asked curiously.
“Hammoc.”
Napatango ako roon at nangiti. Sabay pa talaga?
Mayabang na nga siguro ako nito.
Noon wala naman akong pake sa ganito pero ngayon… Ewan! Para ka palang babalik sa pagiging teenager kapag first time mong magka-boyfriend. Hindi naman ‘yong tipong toxic kundi iyong pakiramdam na lahat ay nangyayari pa lang ngayon sa kauna-unahang pagkakataon.
BINABASA MO ANG
Delicante Brothers: Ngayong Akin Ka (Zohan)
RomanceZohan Delicante's Story (From Bound By Duties) Being beautiful is a blessing to her. Maganda siya kaya kahit papaano, may paraan para magkaroon ng pera na higit pa sa kayang ibigay ng normal na trabaho. Sa pagkita ng pera umiikot ang buhay niya. Na...