Delicante Brothers: Ngayong Akin Ka
Kabanata 10
Next timeHindi ko alam kung bakit ko siya sinunod. Ang alam ko lang, gumagawa na ako ng daan sa gitna ng mga nagsasayaw para makaakyat doon sa second floor.
Masayang-masaya lang ako ngayon. Feeling ko I am free to do everything my heart wants. Eh, gusto kong lapitan si Zohan kaya bakit hindi?
Kaya lang, lahat ng saya ko ay nawala nang harangin ako ng dalawang babae roon sa taas. Natigilan ako.
“Free pass from the VVIP?” the other one asked me.
May suot silang parang ganoon sa chinese. Iyong ang kuwelyo ay matigas pero sa pang-ibaba naman ay napakahapit na skort.
“Wala pero tinatawag ako ni…Zohan Delicante.” Well, I hope his name is a free pass here.
Hindi ko alam na kailangan pa ng free pass dito sa second floor. Dinadala naman ako ng ibang kliyente dito pero walang nanghaharang sa amin. Siguro ay dahil VVIP naman nga raw sila.
Ngayon ko lang nalaman ‘to.
Nagkatinginan sila. They called someone. Siguro’y si Zohan. Nakumpirma ko ‘yon nang lumabas ito at nahanap agad ako ng mga mata niya.
I smiled and waved again. Lasing na nga talaga ako. Para akong batang nakakita ng bagay na gusto ko, e.
“I’ll take her from here.”
Para naman akong kinilig doon o sadyang may tama na ang isip ko sa alak.
“Zohan! Tara, sayaw tayo,” aya ko rito.
“Let’s talk first,” he dismissed my invitation and his hand snaked on the back of my waist.
Sinundan ko ng tingin pero nawala na ako roon dahil giniya niya ako patungo roon sa may lounge sa gilid.
There is a hallway and I think those were the rooms Amari was talking about. Pero before that, may secret lounge pa.
Pumasok kami roon. Hindi hamak na mas maganda at secured dito kasi may salamin siya, unlike sa ibaba na parang barricade lang at makakadungaw ang gustong dumungaw.
Pinalinaw ko ang aking mga mata dahil may napansin.
“Tinted ang salamin?” I asked him.
“Hmm…”
Ngumuso ako at napangiti. Just what is the meaning of this?! Ang tanong ng malandi kong isipan.
“Anong pag-uusapan natin?” nakangiti at namumungay ang mga mata ko.
He made me sit before he followed. Napaka-gentleman niya, ah. May paalalay pa siya. Hindi naman ako matutumba rito, e.
“You’re dancing wildly with those guys. Do you know them?” a hint of seriousness and grim laced his voice.
I shook my head. Hindi naman talaga. Nakisayaw lang ‘yon.
“Hindi namin sila k-kasama,” medyo nasamid ako sa dulo.
Tinulak niya ang isang inumin. Sa kulay pa lang, halatang juice na. Kinuha ko ‘yon at sumimsim.
“Sayaw tayo,” aya ko ulit.
“I know those men. You shouldn’t dance like that around them, Sadira.”
I blinked my eyes to clear my sight of him. He looks extra handsome and sexy right now. There is a mix of dominance in his demeanor. His face is a bit contorting in something serious? His lips in trimmed lines and eyes were like hawks, not digging into me but planning or thinking about something wicked.
BINABASA MO ANG
Delicante Brothers: Ngayong Akin Ka (Zohan)
RomantizmZohan Delicante's Story (From Bound By Duties) Being beautiful is a blessing to her. Maganda siya kaya kahit papaano, may paraan para magkaroon ng pera na higit pa sa kayang ibigay ng normal na trabaho. Sa pagkita ng pera umiikot ang buhay niya. Na...