Kabanata 21

291 7 1
                                    

Delicante Brothers: Ngayong Akin Ka
Kabanata 21
Heaven and hell

“What is this?” I asked when I opened the door and saw him standing outside with a damn bouquet of flowers and a paper bag.

“For you?” he said with a hint of a smile.

Nagulat ako at medyo naguluhan. Siyempre, alam ko na gusto niya ako pero hindi naman ako nag-i-expect ng ganito kasi magkaibigan pa lang naman kami.

“Salamat…” nangangapa pa ako nang sambitin ‘yon at tinanggap ang bulaklak. “Pasok ka…”

Pinanood ko siyang pumasok. Napakamot ako ng ulo.

Kahapon lang kami nag-usap, narito na ulit siya? Baka hindi na siya makapaghintay?

Nangiti ako at halos gustong matawa sa naisip.

“Nag-abala ka pa sa bulaklak,” puna ko nang ilapag iyon sa mesa sa tapat ng sofa.

As he sat there, I noticed how he looked a bit uncomfortable. Parang hindi naman siya ganiyan kahapon, ah? Naipahayag niya nga iyong pagkakagusto niya sa akin, e.

“Kape, gusto mo?”

“No. It’s fine. I really just came here to see you,” aniya at tumikhim.

Natawa na ako ng tuluyan.

“What’s with you, Zohan? Kagabi lang narito ka rin, ah? Parang ang tagal mo naman akong hindi nakita.”

May koneksyon ba iyon sa pagkakagusto niya sa akin? Do you miss someone so much if you like them?

Umupo ako sa tapat niya at tinaasan siya ng kilay.

“May pabulaklak ka pa.”

I saw how he relaxed his brows and heaved a sigh.

“Manliligaw ako,” pabatid niya na ikinatigil panandalian ng aking mundo.

Ano? Manliligaw?! Si Zohan?

“Can I, though? I haven’t asked you yet. I forgot I need your permission for that,” he shook his head in his own stupidity.

Ako naman ay nakatulala pa rin at kinokolekta pa lang ang sarili.

Napalunok ako at kapagkuwa’y pinaypayan ang sarili gamit ang kamay ko.

“Manliligaw ka? Sa akin?” bakas pa ang pagkabigla sa boses ko.

Umangat ang sulok ng kanyang labi sa mapaglarong paraan.

“Yes, Sadira. I told you I’d wait until you’re ready for me, until you’re in love with me. Of course I’d do something for that to happen,” seryoso ang boses niya pero tinikwasan niya ako ng kilay.

Sa paraan kasi ng emosyong nakabalatay sa aking mukha, sinasabi noon na dapat alam ko na iyon.

Pero kasi… malinaw na malinaw sa pang-unawa ko na magkaibigan kami. Hihintayin niya ako kung sakali ngang magugustuhan ko siya.

Courting me is not what I expected him to do while waiting for me.

Ni hindi nga pumasok sa isip ko na posibleng nasa bukabularyo ni Zohan Delicante ang panliligaw.

But look what he’s doing now.

Giving roses, bringing me to places I want to visit, hovering around with me, making sure he’s the only one I could ever like as he courts me.

Hindi pa iyon. I caught myself kissing him when we’re both a bit drunk. Nasundan na iyon nang nasundan na minsan… nakakahiyang aminin pero muntik-muntikan na kaming mauwi sa kung ano.

Delicante Brothers: Ngayong Akin Ka (Zohan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon